Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid, nakabukas ang Ehipto para sa pamilya ninyo. Patirahin mo sila sa Goshen na isa sa magagandang lupain sa Ehipto. At kung may mapipili ka sa kanila na mapagkakatiwalaan, gawin silang tagapagbantay ng mga hayop ko.”