Sinabi ng biyuda, “Nagsasabi po ako ng totoo, sa presensya ng buháy na PANGINOON na inyong Diyos, na wala na akong tinapay. Ang natitira na lang ay isang dakot na harina sa banga at kaunting langis sa tapayan. Nangunguha nga po ako ng ilang pirasong kahoy dito para dalhin sa bahay at lutuin ang natitirang harina para sa akin at sa anak ko, at kapag naubos na namin ito, mamamatay na kami sa gutom.”