1 Mga Hari 17:12
1 Mga Hari 17:12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buháy na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.”
1 Mga Hari 17:12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng biyuda, “Nagsasabi po ako ng totoo, sa harap ng buháy na PANGINOON na inyong Diyos, na wala na akong tinapay. Ang natitira na lang ay isang dakot na harina sa banga at kaunting langis sa tapayan. Nangunguha nga po ako ng ilang pirasong kahoy dito para dalhin sa bahay at lutuin ang natitirang harina para sa akin at sa anak ko, at kapag naubos na namin ito, mamamatay na kami sa gutom.”
1 Mga Hari 17:12 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako'y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako'y namumulot ng dalawang patpat, upang ako'y pumasok, at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay.
1 Mga Hari 17:12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buháy na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.”
1 Mga Hari 17:12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)