Sa PaghihirapâŠSample

Mahina ka ba ngayon? đȘ
Kapag may pagsubok sa buhay, isnât it our first instinct to ask the Lord to get rid of it? Kami din, kapag may mga paghihirap, ganoon din ang aming unang naiisip. Lord, bakit ayaw Mo pang tanggalin na lang ito para hindi na kami mahirapan? Puwede bang bigyan Mo agad ng solusyon ang problemang ito? Ayokong pagdaanan ito sa mahabang panahon.
Guess what? Kahit pala si Paul, ang alagad ni Lord na sumulat ng ilang mga letters in the New Testament, ay may karanasan ding katulad nito. May tinawag siyang âthorn in the flesh,â na nagmakaawa sya sa Panginoon na tanggalin. Letâs read what the Lord said to him:
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, âSapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koÊŒy nakikita sa iyong kahinaan.â Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil dito, maligaya ako sa aking kahinaan, sa mga panlalait sa akin, sa mga pasakit, pang-uusig at sa mga paghihirap alang-alang kay Cristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios. (2 Corinto 12:9-10 ASND)
Nakikita mo ba? Hindi pala lahat ng paghihirap ay kaagad tanggalin ni Lord. Pero sa lahat ng ito, may pangako Siyang makikita natin ang Kanyang kapangyarihan sa kahinaan natin.
Ano ba ang kahirapang pinagdadaanan mo ngayon? Nais mo bang makita ang kapangyarihan ng Panginoon sa ganito? Ipagdasal natin ito: âLord, hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Pero naniniwala ako sa pangako mong kung kailan ako mahina, saka Niyo ako pinalalakas. At naniniwala akong makikita ko ang kapangyarihan mo sa kahinaan ko. Salamat, Lord. In Jesusâ name, amen.â
Tandaan mo, isa kang miracle!
Scripture
Related Plans

Kingdom Parenting

Heaven (Part 3)

Hebrews: The Better Way | Video Devotional

Made New: Rewriting the Story of Rejection Through God's Truth

Heaven (Part 1)

God in 60 Seconds - Fun Fatherhood Moments

Experiencing Blessing in Transition

Growing Your Faith: A Beginner's Journey

Be the Man They Need: Manhood According to the Life of Christ
