GenerositySample

Financial success ba o spiritual success ang hanap mo? 🏅🏅🏅
Kung papipiliin ka, alin kaya mas uunahin mo: financial success or spiritual success? Para sa karamihan sa atin, malamang ang tamang sagot ay “spiritual success,” pero sa kalooban natin, we are also looking for financial success.
Hindi naman mali ang gustuhing umahon sa kahirapan. Hindi ba, napag-usapan din nating hindi madamot ang Panginoon, at gustung-gusto Niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan mo. Pero may pagkakaiba pala ang pagnanasang yumaman sa pagnanais ng mas mabuting kalagayan.
Sa Matthew 19:23-24, sinabi ni Jesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang mapabilang sa kaharian ng Dios. Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa mapabilang ang isang mayaman sa kaharian ng Dios.”
Dito, ipinapakita na ang yaman pala ay maaaring maging isang hadlang sa tunay na magandang buhay, hindi ito ang daan patungo dito. Posible namang sumunod kay Jesus at dalhin ang kayamanan, pero sobrang hirap daw gawin nito. Ang tagumpay sa pera ay puwedeng magdulot ng spiritual failure—siguro dahil sa pagnanasang magkaroon ng higit, ay nauubos na ang oras sa pagtatrabaho at pag-iipon.
Si Jesus ay nangangaral noong panahon sa ang mga taong hindi naman talaga mayaman—mga mahihirap sila. May mga mangingisda at may mga magsasaka. Pero nagbigay Siya ng babala, kasi puwede kang kahit mahirap ay maging sakim pa rin.
Pero may sagot pala si Jesus na makakapagpalaya sa ating mga puso mula sa kasakiman at makakatulong sa ating maging katulad Niya: generosity.
Habang mas marami tayong ibinibigay, mas masaya at mapayapa tayo. How can you practice generosity this week? Kuwentuhan mo naman kami!
Tandaan mo, isa kang miracle.
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Scripture
Related Plans

When You’re Desperate: 21 Days of Honest Prayer

God in 60 Seconds - Sporting Life

I'm Just a Guy: Who Feels Alone

Uncharted: Ruach, Spirit of God

Hear

Radically Restored—to Oneness With Another

It's Never Wrong to Do the Right Thing

God’s Strengthening Word: Learning From Biblical Teachings

Multiply the Mission: Scaling Your Business for Kingdom Impact
