Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa SariliSample

Are you connected to Jesus?🔌
Kung tatanungin kita kung connected ka ba kay Jesus, ano ang pumapasok sa isip mo? Connected like connected through wifi? Or connected na parang cellphone na naka-plug ang charger on the wall?
Sa Bible, ang ginamit na paglalarawan ni Jesus sa halaga ng connection na ito ay isang grapevine, o puno ng ubas. Kung hindi ka pa nakakakita ng halamang ito, isa itong vine, na may mga sanga kung saan nakakabit ang bunga. Inilarawan ni Jesus na Siya raw ang puno (or vine) at tayo ang mga sanga (or branches):
“Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin (Juan 15:5 ASND)
Bakit kaya ito ang larawang pinili ni Jesus? Tingnan natin kung paano Niya pinagpatuloy ang paglalarawan: ang tao daw na nananatili sa Kanya at Siya sa taong ito ay mamumunga nang marami. Tama ito, hindi ba? The branches of the grapevine can only bear fruit once it stays connected to the vine; kapag naputol ito, hinding-hindi na ito maaaring mamunga pa.
In the same way, wala tayong magagawa kung hiwalay tayo kay Jesus. Can you see this in your daily life? Sa karamihan sa atin, we can feel the difference when we’re connected to Jesus, kung saan meron tayong peace, joy, and strength.
Ikaw ba, can you say you’re connected to the Vine? If not, or if you are but desire to stay connected, puwede mong ipagdasal ito: “Jesus, gusto kong matutong manatili sa Iyo. Teach me to stay connected to You through my daily life. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Scripture
About this Plan

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili
More
Related Plans

40 Rockets Tips - Workplace Evangelism (31-37)

Multivitamins - Fuel Your Faith in 5-Minutes (Pt. 3)

Moses: A Journey of Faith and Freedom

Messengers of the Gospel

Connecting With the Heart of Your Child

A Mother's Heart

Sowing God's Word

Peter, James, and John – 3-Day Devotional

Built for Impact
