YouVersion Logo
Search Icon

Bagong Buhay sa Bagong TaonSample

Bagong Buhay sa Bagong Taon

DAY 5 OF 5

Ikalimang araw: Huwag kang matakot na magbago!

Siguro ay gumawa ka ng resolution noong papasok ang Bagong Taon—ang listahan ng mga pagbabagong gusto mong mangyari sa taong 2025. Quitting your job to finally chase your dream dahil may talent ka at boring naman ang job mo? Sasali ka na sa 5K Run kaya uumpisahan mo ang iyong training? Kailangan mo ng change kung gusto mong ma-realize ang iyong mga resolutions!

Bakit ba tayo takot sa change? Sinabi na some of the common reasons ay fear of the unknown, no support for change, and belief that the change is only temporary and passing. Mayroong katotohanan ang mga dahilang ito kaya mahalagang pag-isipan nating mabuti ang mga bagay na gusto nating baguhin sa ating buhay ng mapaghandaan natin sa tamang paraan.

Isa sa pinakamahalagang bagay sa ating desired change ay ang accountability. Kailangan natin ng suporta from someone. At siyempre pa ang isang cheerleader para i-push tayo na ipagpatuloy ang ating plano para hindi ito maging isang temporary change na pagsasawaan at kalilimutan.

Dapat nating tandaan na mahalaga ang pagbabago. Ilan sa benefits nito ay ang positivity boost, improved relationships, a healthier and more successful you. At kung ang negative vibes ay wala ng gaanong epekto sa iyo, alam mong there will be a happier you!

Sinabi sa Salmo, “Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayo’y magalak at magdiwang” (118:24). Today is the best day to change, kaya huwag mo nang palipasin pa. Umpisahan mo na ang kasiyahan!

Pag-isipan: Ano ang iyong resolutions sa taong ito at anong mga hakbang ang iyong gagawin upang matupad ang mga ito?

Scripture

About this Plan

Bagong Buhay sa Bagong Taon

Natapos na ang Pasko pero mayroon namang dumating na bagong taon. Kaya huwag nating kalimutan na nilalaman rin ng awiting, "Ang Pasko ay Sumapit," ang mga salitang ito tungkol sa New Year: “Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo’y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan.” Paano ba magbagong buhay?

More