YouVersion Logo
Search Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Sample

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

DAY 29 OF 30

Ikaw ang napili.
1 Peter 2:9 ESV

Ang buhay ay isang paglalakbay kung saan matatahak mo ang disyerto at oases, kabundukan at kapatagan. Kung minsan, mapapatanong ka nalang sa sarili mo ng, “Bakit? Bakit ganito? Bakit ako? Ang lahat ng ito ba ay walang kabuluhan, o nabuhay ba ako ng aksidente lamang?” Isang bagay lang ang masasabi ko sa iyo: Ikaw ay napili. Ikay ay pinili ng panginoon. Hindi ka pinanganak dahil sa isang pagkakataon. Hindi nagkataon na ganyan ang kulay ng iyong buhok o hugis ng iyong ilong. Naisip ka ng panginoon bago pa Niya nilikha ang daigdig. Alam mo ba na kahit ikaw lang ang nag-iisang tao dito sa mundo, magpapakamatay pa rin Siya para sa iyong mga kasalanan? Para lang sa iyo. Ikaw ay napili. Bago ka pa man ipinanganak, sinulat na Niya ang istorya ng iyong buhay, puno ng pambihirang karanasan, masagana, kapansin-pansin. Maipipinta mo ba sa iyong isipan na ang Diyos ng buong daigdig, ang siyang maiging nag isip ng iyong buhay kung kaya't ikaw ay isang dakilang nilikha? Kaya, kapag sa tingin mo parin ay isang malaking pagkakamali ang iyong buhay o isang aksidente - hindi iyan totoo.
Ikaw ay pinili sa pagitan ng daan-daang libong mga tao para sa iyong espesyal na papel dito. Siya ay may isang natatanging plano at destinasyon para sa iyo! Mayroon kang makabuluhang kinabukasan kasama si Hesus!

by @zestdesign translated by @gendaquinan

Scripture

About this Plan

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More