Gawing Una ang Diyos Sample

"Posisyon ng Diyos, Gantimpala Ko!"
Unang posisyon - ito ang pinakamimithi ng lahat na nakikipagpaligsahan. Isa man itong kumpetisyon na pang-indibidwal o pang-koponan, ang pinakamahusay na marka o oras ang panalo, at ang unang posisyon ang palaging nagdadala ng pangunahing premyo sa taong nagkakamit sa natatanging pribilehiyo. Laging ganoon, ngunit may isang mahalagang eksepsyon.
Bago ang ating kaligtasan, kadalasan nating pinangungunahan ang ating sariling buhay - nabubuhay para sa ating sarili, tinutupad ang ating mga makasariling hangarin, isinusulong ang ating sariling layunin. Ngunit nang tayo ay naging Kristiyano, ang unang posisyon ay hindi na sa atin; pag-aari na ito ng Diyos.
Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay nagsimula sa araw ng ating kaligtasan, ngunit ang pagpapahintulot sa Diyos na manatiling una sa lahat ng bahagi ng ating buhay ay isang patuloy na proseso. Kapag ginagawa natin ito, nabubuhay tayo dito sa mundo ng isang makabuluhan at pinagpalang buhay kay Cristo, at namamana natin ang isang walang hanggang buhay na puspos ng umaapaw na mga pagpapala ng Diyos sa Langit magpakailanman.
"Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon." 1 Corinto 9:25
Scripture
About this Plan

Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapapansin mong madaling maunawaan at isabuhay ang gabay na ito, at isa itong napaka-epektibong pamamaraan para sa matagumpay na pamumuhay bilang Kristiyano.
More
Related Plans

The Wealth Transfer: 3 Hidden Truths Most Christians Miss

What Makes You Beautiful: A 7 Day Devotional

Life IQ With Reverend Matthew Watley

Who Is Jesus?

Jesus Loves Me, This I Know—and It Changes Everything

Just 1

Jesus Manages the Four Spaces of Anxiety

Encounters With People

Risen With Christ: Embracing New Life With Jesus
