YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!Sample

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!

DAY 6 OF 6

"Isang Pangwakas na Konsiderasyon" Kung hindi mo pa tinanggap sa buhay mo si Jesus, o ginawa mo na ito minsan sa buhay mo, ngunit hindi ka na nabubuhay para sa Kanya, maaari kang gumawa ng bagong pangako sa Kanya NGAYON sa pamamagitan ng isang simpleng panalangin mula sa iyong mataimtim na puso. Ang panalanging iyon ay maaaring katulad nito, "Jesus, alam kong ako ay makasalanan, at tanging Ikaw lamang ang makapagpapalaya sa akin mula sa kaparusahan ng kasalanan. Hinihingi ko sa Iyong pumasok Ka sa buhay ko at linisin ako sa lahat ng aking kasalanan. Tulungan mo akong mabuhay para sa Iyo sa lahat ng bahagi ng aking buhay, sa bawat araw ng buhay ko. Salamat sa pagpasok Mo sa buhay ko at sa pagpapalaya sa akin!" Kung ginawa mo ang panalanging ito nang mataimtim, sa paniniwalang gagawin ni Jesus ang sinabi Niyang gagawin Niya, natanggap mo ang kaligtasan, at nabago na ang iyong walang-hanggang tadhana upang makasama Siya magpakailanman! Kung gumawa ka ng desisyon upang sumunod kay Jesus, nais naming makarinig mula sa iyo, at bigyan ka ng mga karagdagang debosyonal sa Bible App upang tulungan ka sa iyong bagong paglalakbay. Piliin ang link sa ibaba: NAPAGPASYAHAN KONG SUMUNOD KAY JESUS!
Day 5

About this Plan

Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!

Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon n...

More

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy