Ang IpinangakoSample

Ang Sumisikat na Araw
Araw-araw, ang bukang-liwayway ay dumarating at pinapalitan ng liwanag ang kadiliman. Ito ay nasasaksihan ng bawat bayan sa buong mundo. Sa isang saglit, nagtatapos ang gabi at nag-uumpisa ang umaga na puno ng bagong pag-asa at pagkakataon.
Sa Lucas 1, umawit si Zacarias ng pagpupuri sa Panginoon para sa Kanyang kahabagan at sa kaligtasang paparating. Ang bawat salita sa awitin ay pagdakila sa katapatan ng Diyos — sa Kanyang pagtupad sa mga pangakong binitawan Niya noong sinaunang panahon pa, at sa paggawa Niya ng paraan upang tayo ay mailigtas at matubos.
Si Juan, ang ipinangakong anak kay Zacarias at Elisabet, ang siyang maghahanda ng daan para kay Jesus. Bumuhos ang kahabagan ng Diyos at nagkaroon ng pag-asa. Maaari nang makamit ang kapatawaran at dumating na ang kaligtasan.
Nagtapos ang awit sa pagtuon ng ating pansin sa bukang-liwayway, ang katapusan ng madilim na gabi. Ipinahayag ni Zacarias, “Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan. Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan.” (Lucas 1:78b-79a)
Mayroong mahabaging mensahe ang Diyos para sa buong mundo; ito ang Mabuting Balita ng Ebanghelyo! Katulad ng sumisikat na araw, si Jesus ay pumarito upang puksain ang kadiliman. Ang Liwanag ng Sanlibutan ay pumasok sa eksena at napagtagumpayan Niya ang lilim ng kamatayan.
Ngayon ay maaari ka nang mamuhay ng walang takot. Dahil sa ginawa ni Jesus, maari kang maglingkod sa kanya nang may kabanalan at katuwiran habang ikaw ay nabubuhay (Lucas 1:74-75). Pinuksa ng Liwanag ang kadiliman at ikaw ay pinalaya. Sabay-sabay tayong “magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.” (1 Pedro 2:9)
Ikaw ba ay namumuhay sa takot o kalayaan? Ano ang ipinapakita sa iyo ng Diyos tungkol sa kung saan ka nakatuon, at paano mo ito babaguhin?
Scripture
About this Plan

Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
More
Related Plans

Unapologetically Sold Out: 7 Days of Prayers for Millennials to Live Whole-Heartedly Committed to Jesus Christ

Breath & Blueprint: Your Creative Awakening

Holy, Not Superhuman

Homesick for Heaven

Stop Living in Your Head: Capturing Those Dreams and Making Them a Reality

Praying the Psalms

Greatest Journey!

Returning Home: A Journey of Grace Through the Parable of the Prodigal Son

Stormproof
