O PANGINOON, kinikilala namin ang aming kasamaan,
pati ang kasalanan ng aming mga ninuno.
Nagkasala po kami sa inyo.
Huwag po ninyo kaming itakwil,
alang-alang sa karangalan
ng inyong pangalan.
Huwag po ninyong ilagay sa kahihiyan
ang marangal ninyong trono.
Alalahanin po ninyo
ang kasunduan ninyo sa amin.
Nawaʼy huwag ninyo itong sirain.