Ang makakatagal ay ang mga taong
namumuhay nang matuwid
at hindi nagsisinungaling,
hindi gahaman sa salapi
o tumatanggap ng suhol.
Hindi sila nakikiisa
sa mga mamamatay-tao
at hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain.
Ganyang klase ang mga taong
nakatira sa matataas na lugar,
at ang kanilang kanlungan
ay ang malalaking bato.
Hindi sila mawawalan
ng pagkain at inumin.