1
Mangangaral 2:26
Ang Salita ng Diyos
ASD
Dahil ang taong nagbibigay-lugod sa Diyos ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan. At ang makasalanan ay binibigyan ng Diyos ng trabaho upang mag-ipon ng kayamanan para ibigay sa taong nagbibigay-lugod sa Diyos. Kaya lahat ng pagsisikap ng makasalanan ay walang kabuluhan. Para siyang humahabol sa hangin.
مقایسه
Mangangaral 2:26 را جستجو کنید
2
Mangangaral 2:24-25
Ang pinakamagandang gawin ng tao ay kumain, uminom at pakinabangan ang mga pinaghirapan niya. Nalaman ko na galing ito sa Diyos, dahil paano natin makakain at mapapakinabangan ang mga pinaghirapan natin kung hindi ito ibibigay ng Diyos?
Mangangaral 2:24-25 را جستجو کنید
3
Mangangaral 2:11
Pero nang isipin kong mabuti ang lahat ng ginawa at pinaghirapan ko, naisip ko na walang kabuluhan ang lahat ng pinagsikapan ko rito sa mundo.
Mangangaral 2:11 را جستجو کنید
4
Mangangaral 2:10
Nakukuha ko ang lahat ng magustuhan ko. Ginawa ko ang lahat ng inakala kong makapagpapaligaya sa akin. Nasiyahan ako sa lahat ng pinaghirapan ko. Ito ang gantimpala sa lahat ng pagsusumikap ko.
Mangangaral 2:10 را جستجو کنید
5
Mangangaral 2:13
At nakita kong mas mabuti ang karunungan kaysa sa kamangmangan, gaya ng liwanag na mas mabuti kaysa sa kadiliman.
Mangangaral 2:13 را جستجو کنید
6
Mangangaral 2:14
Alam ng marunong ang patutunguhan niya, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman. Pero napagtanto ko ring pareho lang silang mamamatay.
Mangangaral 2:14 را جستجو کنید
7
Mangangaral 2:21
Dahil kahit magsikap ka gamit ang buo mong talino, isip at kakayahan, iiwan mo rin ang lahat ng pinaghirapan mo sa taong hindi naghirap para sa mga bagay na ito. Ito man ay wala ring kabuluhan at hindi makatarungan.
Mangangaral 2:21 را جستجو کنید