YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 47

47
Kataas-taasang Hari
Awit na katha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit.
1Magdiwang ang lahat ng mga nilikha!
Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
2Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang;
siya'y naghahari sa sangkatauhan.
3Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao,
sa lahat ng bansa'y namahala tayo.
4Siya ang pumili ng ating tahanan,
ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)#4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
5Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos,
sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog.
6Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya'y papurihan!
7Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa;
awita't purihin ng mga nilikha!
8Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.
9Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham,
sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan.
Ang mga sandata ng lahat ng kawal,
lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.

Currently Selected:

Mga Awit 47: RTPV05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy