YouVersion Logo
Search Icon

Job 2

2
Sinubok Muli ni Satanas si Job
1Muling humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos,#1 mga anak ng Diyos: o kaya'y mga nilalang mula sa langit. at naroon din si Satanas.#1 SATANAS: o kaya'y ang Tagapagparatang. 2Tinanong ni Yahweh si Satanas,#2 SATANAS: o kaya'y ang Tagapagparatang. ang Tagapagparatang. “Saan ka nanggaling?”
Sumagot si Satanas,#2 SATANAS: o kaya'y ang Tagapagparatang. “Nagpapabalik-balik at naglilibot ako sa buong daigdig.”
3“Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong ni Yahweh. “Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya kahit walang sapat na dahilan, subalit nananatili pa rin siyang tapat sa akin,” sabi pa ni Yahweh.
4Sumagot si Satanas,#4 SATANAS: o kaya'y ang Tagapagparatang. “Kahit anong bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay. 5Subukin ninyong saktan ang kanyang katawan at sigurado kong susumpain niya kayo nang harap-harapan!”
6Sinabi ni Yahweh, “Kung gayon, gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, huwag mo lamang siyang papatayin.”
7Kaya umalis si Satanas#7 SATANAS: o kaya'y ang Tagapagparatang. sa harapan ni Yahweh at tinadtad ng nagnanaknak na sugat ang buo nitong katawan mula ulo hanggang talampakan. 8Naupo si Job sa tabi ng basurahan at kinamot niya ng isang pirasong basag na palayok ang kanyang mga sugat. 9Sinabi ng kanyang asawa, “Mananatili ka pa bang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at nang mamatay ka na!”
10Ang sagot ni Job, “Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?” Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos.
Dinalaw si Job ng Kanyang mga Kaibigan
11Ang masamang nangyari kay Job ay nabalitaan ng tatlo niyang kaibigang si Elifaz na Temaneo, si Bildad na Suhita, at si Zofar na Naamita. Nagkasundo silang tatlo na dalawin si Job upang palakasin ang loob niya at makiramay sa kanya. 12Malayo pa sila'y nakita na nila si Job ngunit hindi nila ito nakilala. Nang makilala nila ito, hindi nila napigilang umiyak nang malakas. Pinunit nila ang kanilang mga damit at naglagay ng abo sa ulo dahil sa pagdadalamhati. 13Pitong araw at pitong gabi silang naupo sa lupa kasama ni Job. Ngunit hindi nila ito pinagsabihan ng kahit ano sapagkat nakikita nilang hirap na hirap ito sa kanyang kalagayan.

Currently Selected:

Job 2: RTPV05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy