Juan 5:1, 2, 3-4, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18
Juan 5:1 RTPV05
Pagkaraan nito'y pumunta si Jesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Judio.
Juan 5:6 RTPV05
Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya't tinanong niya ito, “Gusto mo bang gumaling?”
Juan 5:7 RTPV05
Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”
Juan 5:9 RTPV05
Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad. Noo'y Araw ng Pamamahinga
Juan 5:10 RTPV05
kaya't sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa lalaking pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan.”
Juan 5:11 RTPV05
Ngunit sumagot siya, “Ang nagpagaling po sa akin ang nagsabing buhatin ko ang aking higaan at lumakad ako.”
Juan 5:12 RTPV05
At siya'y tinanong nila, “Sino ang nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?”
Juan 5:13 RTPV05
Ngunit hindi alam ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, sapagkat nawala na si Jesus sa karamihan ng tao.
Juan 5:16 RTPV05
Dahil dito, si Jesus ay sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Judio, sapagkat nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.
Juan 5:17 RTPV05
Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang aking Ama ay patuloy na gumagawa hanggang ngayon, at gayundin ako.”