Mark 4
4
A Story about a Farmer
(Matthew 13.1-9; Luke 8.4-8)
1 #
Lk 5.1-3. The next time Jesus taught beside Lake Galilee, a big crowd gathered. It was so large that he had to sit in a boat out on the lake, while the people stood on the shore. 2He used stories to teach them many things, and this is part of what he taught:
3Now listen! A farmer went out to scatter seed in a field. 4While the farmer was scattering the seed, some of it fell along the road and was eaten by birds. 5Other seeds fell on thin, rocky ground and quickly started growing because the soil wasn't very deep. 6But when the sun came up, the plants were scorched and dried up, because they did not have deep roots. 7Some other seeds fell where thornbushes grew up and choked out the plants. So they did not produce any grain. 8But a few seeds did fall on good ground where the plants grew and produced 30 or 60 or even 100 times as much as was scattered.
9Then Jesus said, “If you have ears, pay attention.”
Why Jesus Used Stories
(Matthew 13.10-17; Luke 8.9,10)
10When Jesus was alone with the twelve apostles and some others, they asked him about these stories. 11He answered:
I have explained the secret about God's kingdom to you, but for others I can use only stories. 12#Is 6.9,10 (LXX). The reason is,
“These people will look
and look, but never see.
They will listen and listen,
but never understand.
If they did,
they would turn to God
and be forgiven.”
Jesus Explains the Story about the Farmer
(Matthew 13.18-23; Luke 8.11-15)
13Jesus then told them:
If you don't understand this story, you won't understand any others. 14What the farmer is spreading is really the message about the kingdom. 15The seeds that fell along the road are the people who hear the message. But Satan soon comes and snatches it away from them. 16The seeds that fell on rocky ground are the people who gladly hear the message and accept it at once. 17But they don't have roots, and they don't last very long. As soon as life gets hard or the message gets them in trouble, they give up.
18The seeds that fell among the thornbushes are also people who hear the message. 19But they start worrying about the needs of this life. They are fooled by the desire to get rich and to have all kinds of other things. So the message gets choked out, and they never produce anything. 20The seeds that fell on good ground are the people who hear and welcome the message. They produce 30 or 60 or even 100 times as much as was planted.
Light
(Luke 8.16-18)
21 #
Mt 5.15; Lk 11.33. Jesus also said:
You don't light a lamp and put it under a clay pot or under a bed. Don't you put a lamp on a lampstand? 22#Mt 10.26; Lk 12.2. There is nothing hidden that will not be made public. There is no secret that will not be well known. 23If you have ears, pay attention!
24 #
Mt 7.2; Lk 6.38. Listen carefully to what you hear! The way you treat others will be the way you will be treated—and even worse. 25#Mt 13.12; 25.29; Lk 19.26. Everyone who has something will be given more. But people who don't have anything will lose what little they have.
Another Story about Seeds
26Again Jesus said:
God's kingdom is like what happens when a farmer scatters seed in a field. 27The farmer sleeps at night and is up and around during the day. Yet the seeds keep sprouting and growing, and he doesn't understand how. 28It is the ground that makes the seeds sprout and grow into plants that produce grain. 29#Jl 3.13. Then when harvest season comes and the grain is ripe, the farmer cuts it with a sickle.#4.29 sickle: A knife with a long curved blade, used to cut grain and other crops.
A Mustard Seed
(Matthew 13.31,32; Luke 13.18,19)
30Finally, Jesus said:
What is God's kingdom like? What story can I use to explain it? 31It is like what happens when a mustard seed is planted in the ground. It is the smallest seed in all the world. 32But once it is planted, it grows larger than any garden plant. It even puts out branches that are big enough for birds to nest in its shade.
The Reason for Teaching with Stories
(Matthew 13.34,35)
33Jesus used many other stories when he spoke to the people, and he taught them as much as they could understand. 34He did not tell them anything without using stories. But when he was alone with his disciples, he explained everything to them.
A Storm
(Matthew 8.23-27; Luke 8.22-25)
35That evening, Jesus said to his disciples, “Let's cross to the east side.” 36So they left the crowd, and his disciples started across the lake with him in the boat. Some other boats followed along. 37Suddenly a storm struck the lake. Waves started splashing into the boat, and it was about to sink.
38Jesus was in the back of the boat with his head on a pillow, and he was asleep. His disciples woke him and said, “Teacher, don't you care that we're about to drown?”
39Jesus got up and ordered the wind and the waves to be quiet. The wind stopped, and everything was calm.
40Jesus asked his disciples, “Why were you afraid? Don't you have any faith?”
41Now they were more afraid than ever and said to each other, “Who is this? Even the wind and the waves obey him!”
Currently Selected:
Mark 4: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Marcos 4
4
Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik
(Mt. 13:1-9; Lu. 8:4-8)
1Muling#Lu. 5:1-3. nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At dahil nagkatipon sa paligid niya ang napakaraming tao, siya'y sumakay at umupo sa isang bangkang nasa tubig. Nanatili naman ang mga tao sa dalampasigan, 2at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Ganito ang sinabi niya: 3“Makinig kayo! May isang magsasakang lumabas upang maghasik ng binhi. 4Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama't kaunti lamang ang lupa roon, agad sumibol ang mga binhing iyon. 6Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa'y hindi ito masyadong nag-ugat. 7May mga binhi namang nalaglag sa may damuhang matinik; nang lumago ang mga damo, sinakal nito ang mga binhing tumubo, kaya't hindi nakapamunga ang mga binhi. 8At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo, lumago, at namunga nang marami, may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisandaan.” 9Sinabi pa ni Jesus, “Makinig ang may pandinig.”
Ang Layunin ng Talinghaga
(Mt. 13:10-17; Lu. 8:9-10)
10Nang nag-iisa na si Jesus, ang ilan sa mga nakikinig ay lumapit sa kanya kasama ang Labindalawa. Hiniling nilang ipaliwanag niya ang talinghaga. 11Sinabi niya, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba na nasa labas, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinghaga. 12Nang#Isa. 6:9-10 (LXX). sa gayon,
‘Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakakita,
at makinig man sila nang makinig ay hindi makakaunawa.
Kung hindi sila ganito, nagbalik-loob na sana sila sa Diyos
at napatawad sila.’”
Paliwanag sa Talinghaga tungkol sa Manghahasik
(Mt. 13:18-23; Lu. 8:11-15)
13Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinghaga? 14Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhing inihahasik ay ang Salita ng Diyos 15at ang mga binhi namang nalaglag sa daan ay ang mga taong nakikinig sa Salita ng Diyos. Pagkarinig nila'y dumarating si Satanas at inaalis ang salitang inihasik sa kanila.#4:15 sa kanila: Sa ibang manuskrito'y sa kanilang mga puso.
16“Ang katulad ng mga binhing nalaglag sa batuhan ay ang mga taong nakikinig ng Salita ng Diyos at agad na tinatanggap ito nang may galak. 17Subalit hindi ito tumitimo sa kanila kaya't hindi sila nagtatagal. Pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita ng Diyos, agad silang sumusuko.
18“Ito naman ang katulad ng mga binhing nalaglag sa may matitinik na halaman. Sila ang mga taong nakikinig ng Salita ng Diyos 19ngunit dahil sa alalahanin sa buhay na ito, pagkasilaw sa salapi, o kaya'y pagkahumaling sa ibang mga bagay, ang Salita ay nawawalan ng puwang sa kanilang puso kaya't hindi ito nakakapamunga.
20“Ito naman ang katulad ng mga binhing nalaglag sa matabang lupa. Sila ang mga taong nakikinig at tumatanggap sa Salita ng Diyos at namumunga nang masagana; may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu at may tig-iisandaan.”
Walang Lihim na Hindi Mabubunyag
(Lu. 8:16-18)
21Nagpatuloy#Mt. 5:15; Lu. 11:33. si Jesus ng pagsasalita. Sinabi niya, “Sinisindihan ba ang ilawan upang itago sa ilalim ng takalan,#4:21 TAKALAN: Ang takalang nabanggit dito ay sinlaki ng sisidlang maaaring maglaman ng dalawang galong tubig. o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba't kapag nasindihan na ay inilalagay ito sa talagang patungan ng ilaw? 22Walang#Mt. 10:26; Lu. 12:2. natatagong di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. 23Makinig ang may pandinig!”
24Idinugtong#Mt. 7:2; Lu. 6:38. pa niya, “Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig.#4:24 Unawain ninyong…naririnig: o kaya'y Piliin ninyo ang inyong papakinggan. Ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at higit pa roon. 25Sapagkat#Mt. 13:12; 25:29; Lu. 19:26. ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.”
Ang Talinghaga ng Binhing Tumutubo
26Sinabi pa ni Jesus, “Ang kaharian ng Diyos ay maitutulad sa isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. 27Natutulog siya kung gabi at bumabangon kung araw. Samantala, ang binhi ay tumutubo at lumalago ngunit hindi alam ng naghasik kung paano. 28Ang lupa ang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim; usbong muna ang lumilitaw, saka ang tangkay; pagkatapos, nahihitik ito sa butil. 29Kapag#Joel 3:13. hinog na ang mga butil, agad itong ginagapas ng taong naghasik sapagkat panahon na para ito'y anihin.”
Ang Talinghaga ng Butil ng Mustasa
(Mt. 13:31-32, 34; Lu. 13:18-19)
30“Saan pa natin maihahambing ang kaharian ng Diyos? Anong talinghaga ang gagamitin natin upang mailarawan ito?” tanong ni Jesus. 31“Ang katulad nito ay butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. 32Ngunit kapag itinanim, ito'y lumalago at nagiging pinakamalaki sa lahat ng tanim; ito'y nagkakasanga nang mayabong, kaya't ang mga ibon ay nakakapamugad sa lilim nito.”
Ang Paggamit ng mga Talinghaga
33Ipinangaral ni Jesus sa mga tao ang mensahe sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad ng mga ito, hanggang sa makakaya pa nilang makinig. 34Tuwing nangangaral siya sa kanila ay gumagamit siya ng talinghaga, ngunit ipinapaliwanag niya ang mga ito sa kanyang mga alagad kapag sila-sila na lamang.
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo
(Mt. 8:23-27; Lu. 8:22-25)
35Kinagabiha'y sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” 36Kaya't iniwan nila ang mga tao at sumakay sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus upang tumawid ng lawa. May iba pang mga bangkang nakisabay sa kanila. 37Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig. 38Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, balewala ba sa inyo kung mapahamak kami?”
39Bumangon si Jesus at sinaway ang hangin, “Tigil!” at sinabi sa lawa, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa.
40Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?”
41Natakot sila nang labis at namangha. Sabi nila sa isa't isa, “Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa ay sumusunod sa kanya!”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society