Luke 10
10
The Work of the Seventy-Two Followers
1Later the Lord chose 72#10.1 72: Some manuscripts have “70.” According to Jewish tradition, there were 70 nations on earth. But the ancient Greek translation of the Old Testament has “72” in place of “70.” Jesus probably chose this number of followers to show that his message was for everyone in the world. other followers and sent them out two by two to every town and village where he was about to go. 2#Mt 9.37,38. He said to them:
A large crop is in the fields, but there are only a few workers. Ask the Lord in charge of the harvest to send out workers to bring it in. 3#Mt 10.16. Now go, but remember, I am sending you like lambs into a pack of wolves. 4#Mt 10.7-14; Mk 6.8-11; Lk 9.3-5. Don't take along a moneybag or a traveling bag or sandals. And don't waste time greeting people on the road.#10.4 waste time greeting people on the road: In those days a polite greeting could take a long time. 5As soon as you enter a home, say, “God bless this home with peace.” 6If the people living there are peace-loving, your prayer for peace will bless them. But if they are not peace-loving, your prayer will return to you. 7#1 Co 9.14; 1 Ti 5.18. Stay with the same family, eating and drinking whatever they give you, because workers are worth what they earn. Don't move around from house to house.
8If the people of a town welcome you, eat whatever they offer. 9Heal their sick and say, “God's kingdom will soon be here!”#10.9 will soon be here: Or “is already here.”
10 #
Ac 13.51. But if the people of a town refuse to welcome you, go out into the street and say, 11“We are shaking the dust from our feet#10.11 shaking the dust from our feet: This was a way of showing rejection. as a warning to you. And you can be sure that God's kingdom will soon be here!”#10.11 will soon be here: Or “is already here.” 12#Gn 19.24-28; Mt 11.24; Mt 10.15. I tell you that on the day of judgment the people of Sodom will get off easier than the people of that town!
The Unbelieving Towns
(Matthew 11.20-24)
13 #
Is 23.1-18; Ez 26.1—28.26; Jl 3.4-8; Am 1.9,10; Zec 9.2-4. You people of Chorazin are in for trouble! You people of Bethsaida are also in for trouble! If the miracles that took place in your towns had happened in Tyre and Sidon, the people there would have turned to God long ago. They would have dressed in sackcloth and put ashes on their heads.#10.13 dressed in sackcloth … ashes on their heads: This was one way that people showed how sorry they were for their sins. 14On the day of judgment the people of Tyre and Sidon will get off easier than you will. 15#Is 14.13-15. People of Capernaum, do you think you will be honored in heaven? Well, you will go down to hell!
16 #
Mt 10.40; Mk 9.37; Lk 9.48; Jn 13.20. My followers, whoever listens to you is listening to me. Anyone who says “No” to you is saying “No” to me. And anyone who says “No” to me is really saying “No” to the one who sent me.
The Return of the Seventy-Two
17When the 72#10.17 72: See the note at 10.1. followers returned, they were excited and said, “Lord, even the demons obeyed when we spoke in your name!”
18Jesus told them:
I saw Satan fall from heaven like a flash of lightning. 19#Ps 91.13. I have given you the power to trample on snakes and scorpions and to defeat the power of your enemy Satan. Nothing can harm you. 20But don't be happy because evil spirits obey you. Be happy that your names are written in heaven!
Jesus Thanks His Father
(Matthew 11.25-27; 13.16,17)
21At that same time, Jesus felt the joy that comes from the Holy Spirit,#10.21 the Holy Spirit: Some manuscripts have “his spirit.” and he said:
My Father, Lord of heaven and earth, I am grateful that you hid all this from wise and educated people and showed it to ordinary people. Yes, Father, this is what pleased you.
22 #
Jn 3.35;
Jn 10.15. My Father has given me everything, and he is the only one who knows the Son. The only one who really knows the Father is the Son. But the Son wants to tell others about the Father, so they can know him too.
23Jesus then turned to his disciples and said to them in private, “You are really blessed to see what you see! 24Many prophets and kings were eager to see what you see and to hear what you hear. But I tell you they did not see or hear.”
The Good Samaritan
25 #
Mt 22.35-40; Mk 12.28-34. An expert in the Law of Moses stood up and asked Jesus a question to see what he would say. “Teacher,” he asked, “what must I do to have eternal life?”
26Jesus answered, “What is written in the Scriptures? How do you understand them?”
27 #
Dt 6.5;
Lv 19.18. The man replied, “The Scriptures say, ‘Love the Lord your God with all your heart, soul, strength, and mind.’ They also say, ‘Love your neighbors as much as you love yourself.’ ”
28 #
Lv 18.5. Jesus said, “You have given the right answer. If you do this, you will have eternal life.”
29But the man wanted to show that he knew what he was talking about. So he asked Jesus, “Who are my neighbors?”
30Jesus replied:
As a man was going down from Jerusalem to Jericho, robbers attacked him and grabbed everything he had. They beat him up and ran off, leaving him half dead.
31A priest happened to be going down the same road. But when he saw the man, he walked by on the other side. 32Later a temple helper#10.32 temple helper: A man from the tribe of Levi, whose job it was to work around the temple. came to the same place. But when he saw the man who had been beaten up, he also went by on the other side.
33 #
2 Ch 28.15. A man from Samaria then came traveling along that road. When he saw the man, he felt sorry for him 34and went over to him. He treated his wounds with olive oil and wine#10.34 olive oil and wine: In New Testament times these were used as medicine. Sometimes olive oil is a symbol for healing by means of a miracle (see James 5.14). and bandaged them. Then he put him on his own donkey and took him to an inn, where he took care of him. 35The next morning he gave the innkeeper two silver coins and said, “Please take care of the man. If you spend more than this on him, I will pay you when I return.”
36Then Jesus asked, “Which one of these three people was a real neighbor to the man who was beaten up by robbers?”
37The expert in the Law of Moses answered, “The one who showed pity.”
Jesus said, “Go and do the same!”
Martha and Mary
38 #
Jn 11.1,2. The Lord and his disciples were traveling along and came to a village. When they got there, a woman named Martha welcomed him into her home. 39She had a sister named Mary, who sat down in front of the Lord and was listening to what he said. 40Martha was worried about all that had to be done. Finally, she went to Jesus and said, “Lord, doesn't it bother you that my sister has left me to do all the work by myself? Tell her to come and help me!”
41The Lord answered, “Martha, Martha! You are worried and upset about so many things, 42but only one thing is necessary. Mary has chosen what is best, and it will not be taken away from her.”
Currently Selected:
Luke 10: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Lucas 10
10
Isinugo ni Jesus ang Pitumpu't Dalawa
1Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng pitumpu't dalawa.#10:1 pitumpu't dalawa: Sa ibang manuskrito'y pitumpu. Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya. 2Sinabi#Mt. 9:37-38. niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani. 3Humayo#Mt. 10:16. kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4Huwag#Mt. 10:7-14; Mc. 6:8-11; Lu. 9:3-5. kayong magdala ng lalagyan ng pera, balutan, o sandalyas. Huwag na kayong tumigil upang bumati kaninuman sa daan. 5Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ 6Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, tatanggapin nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi, babalik sa inyo ang inyong pagbasbas. 7Makituloy#1 Cor. 9:14; 1 Tim. 5:18. kayo sa bahay na iyon at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat tumanggap ng sahod. 8Pagpasok ninyo sa isang bayan at tinanggap kayo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo. 9Pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa mga tagaroon, ‘Malapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos.’ 10Ngunit#Gw. 13:51. pagpasok ninyo sa isang bayan at hindi kayo tinanggap, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin, 11‘Pati ang alikabok ng inyong bayan na dumikit sa aming mga paa ay inaalis namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaan ninyo, malapit na ang kaharian ng Diyos!’ 12Sinasabi#Gen. 19:24-28; Mt. 11:24; Mt. 10:15. ko sa inyo, mas kahahabagan pa ang mga taga-Sodoma kaysa bayang iyon sa Araw ng Paghuhukom!”
Babala sa mga Bayang Ayaw Magsisi
(Mt. 11:20-24)
13“Kawawa#Isa. 23:1-8; Eze. 26:1–28:26; Joel 3:4-8; Amos 1:9-10; Zac. 9:2-4. kayo mga taga-Corazin! Kawawa kayo mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 14Mas kahahabagan pa ang mga taga-Tiro at taga-Sidon kaysa inyo sa Araw ng Paghuhukom. 15At#Isa. 14:13-15. kayong mga taga-Capernaum, nais pala ninyong itaas ang inyong sarili hanggang langit? Ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay!
16Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang#Mt. 10:40; Mc. 9:37; Lu. 9:48; Jn. 13:20. nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”
Bumalik ang Pitumpu't Dalawa
17Masayang-masayang bumalik ang pitumpu't dalawa.#10:17 pitumpu't dalawa: Sa ibang manuskrito'y pitumpu. Iniulat nila, “Panginoon, kahit po ang mga demonyo ay napapasunod namin dahil sa kapangyarihan ng inyong pangalan.”
18Sinabi sa kanila ni Jesus, “Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit. 19Binigyan#Awit 91:13. ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at daigin ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo. 20Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”
Nagalak si Jesus
(Mt. 11:25-27; 13:16-17)
21Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng kagalakan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.#10:21 napuspos…Espiritu Santo: Sa ibang manuskrito'y nagalak sa kanyang espiritu. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at matatalino ang mga bagay na ito, ngunit inihayag mo sa mga walang muwang. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mong mangyari.
22“Ibinigay#Jn. 3:35; Jn. 10:15. sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wala namang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong minarapat ng Anak na makakilala sa Ama.”
23Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi nang walang ibang nakakarinig, “Pinagpala kayo sapagkat nakita ninyo ang mga nakikita ninyo ngayon. 24Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang naghangad na makita ang inyong nakikita at marinig ang inyong naririnig, subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”
Ang Mabuting Samaritano
25Isang#Mt. 22:35-40; Mc. 12:28-34. dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” tanong niya.
26Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”
27Sumagot#Deut. 6:5; Lev. 19:18. ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’”
28Sabi#Lev. 18:5. ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
29Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking kapwa?”
30Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. 31Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33Ngunit#2 Cro. 28:15. may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. 34Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. 35Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’”
36At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
37“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
Dumalaw si Jesus kina Martha at Maria
38Si#Jn. 11:1. Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at pumasok sa isang nayon. Malugod silang tinanggap sa tahanan ni Martha. 39May kapatid siyang si Maria na naupo sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo. 40Si Martha naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at nagsabi, “Panginoon, balewala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako.”
41Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, 42ngunit iisa lamang ang kailangan.#10:42 iisa lamang…kailangan: Sa ibang manuskrito'y kakaunti lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuti at ito'y hindi aalisin sa kanya.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society