Jonah 1
1
Jonah Runs from the Lord
1 #
2 K 14.25. One day the Lord told Jonah, the son of Amittai, 2to go to the great city of Nineveh#1.2 Nineveh: Capital city of Assyria, a hated enemy of Israel. and say to the people, “The Lord has seen your terrible sins. You are doomed!”
3Instead, Jonah ran from the Lord. He went to the seaport of Joppa and found a ship that was going to Spain. So he paid his fare, then got on the ship and sailed away to escape.
4But the Lord made a strong wind blow, and such a bad storm came up that the ship was about to be broken to pieces. 5The sailors were frightened, and they all started praying to their gods. They even threw the ship's cargo overboard to make the ship lighter.
All this time, Jonah was down below deck, sound asleep. 6The ship's captain went to him and said, “How can you sleep at a time like this? Get up and pray to your God! Maybe he will have pity on us and keep us from drowning.”
7Finally, the sailors got together and said, “Let's ask our gods to show us#1.7 ask … show us: The Hebrew text has “cast lots,” which were pieces of wood or stone used to find out how and when to do something. In this case, the lots would show who was the guilty person. who caused all this trouble.” It turned out to be Jonah.
8They started asking him, “Are you the one who brought all this trouble on us? What business are you in? Where do you come from? What is your country? Who are your people?”
9Jonah answered, “I'm a Hebrew, and I worship the Lord God of heaven, who made the sea and the dry land.”
10When the sailors heard this, they were frightened, because Jonah had already told them he was running from the Lord. Then they said, “Do you know what you have done?”
11The storm kept getting worse, until finally the sailors asked him, “What should we do with you to make the sea calm down?”
12Jonah told them, “Throw me into the sea, and it will calm down. I'm the cause of this terrible storm.”
13The sailors tried their best to row to the shore. But they could not do it, and the storm kept getting worse every minute. 14So they prayed to the Lord, “Please don't let us drown for taking this man's life. Don't hold us guilty for killing an innocent man. All of this happened because you wanted it to.” 15Then they threw Jonah overboard, and the sea calmed down. 16The sailors were so terrified that they offered a sacrifice to the Lord and made all kinds of promises.
17 #
Mt 12.40. The Lord sent a big fish to swallow Jonah, and Jonah was inside the fish for three days and three nights.
Currently Selected:
Jonah 1: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Jonas 1
1
Pinagtaguan ni Jonas si Yahweh
1Ang#2 Ha. 14:25. aklat na ito ay naglalaman ng mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Jonas na anak ni Amitai. Isang araw, sinabi sa kanya ni Yahweh: 2“Pumunta ka sa Nineve na isang malaking lunsod, at sabihin mo sa mga tagaroon na umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasalanan.” 3Sa halip na sumunod, ipinasya ni Jonas na takasan si Yahweh. Nagtungo siya sa Joppa, at doon ay nakatagpo ng isang barkong patungong Tarsis. Pagkatapos na magbayad ng pamasahe, sumakay siya sa barko upang maglakbay kasama ng iba pang mga pasahero patungong Tarsis. Sa ganitong paraan ay inakala niyang makakatakas siya kay Yahweh.
4Ngunit nang sila'y nasa laot na, nagpadala si Yahweh ng isang malakas na bagyo kaya't halos mawasak ang barko. 5Dahil dito, labis na natakot ang mga tripulante kaya't silang lahat ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.
6Nakita siya ng kapitan at ginising, “Ano't nagagawa mo pang matulog? Bumangon ka't manalangin sa iyong diyos, baka sakaling kaawaan niya tayo at iligtas sa kamatayan.”
7Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng lahat ng ito.” Gayon nga ang kanilang ginawa at nabunot ang pangalan ni Jonas. 8Kaya't siya'y kinausap nila, “Sabihin mo sa amin kung sino ang dapat sisihin sa nangyayaring ito. Anong ginagawa mo rito? Saang bansa ka galing? Tagasaan ka at anong lahi mo?”
9Sumagot si Jonas, “Ako ay isang Hebreo at sumasamba ako kay Yahweh, ang Diyos ng kalangitan na lumikha ng dagat at ng lupa.” 10Sinabi ni Jonas na tinakasan niya si Yahweh. Nakadama ng matinding takot ang mga nakarinig kaya sinabi nila kay Jonas, “Napakalaking kasalanan ang ginawa mo!”
11Lalong lumakas ang bagyo, kaya tinanong nila si Jonas, “Ano ang dapat naming gawin sa iyo para pumayapa ang dagat?”
12“Ihagis ninyo ako sa dagat at papayapa ito. Alam kong ako ang dahilan kaya nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo,” sagot niya.
13Gayunpaman, sinikap ng mga tripulante na itabi ang barko, ngunit wala silang magawâ sapagkat lalong lumalakas ang bagyo. 14Kaya't nanalangin sila kay Yahweh nang ganito: “Yahweh, huwag po ninyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin sa taong ito. Huwag po ninyo kaming parusahan kung mamatay man ang taong ito. Kayo po Yahweh ang may pananagutan dito.” 15Pagkasabi nito, binuhat nila si Jonas at inihagis sa dagat. Agad namang pumayapa ang dagat. 16Dahil dito, nagkaroon sila ng matinding takot kay Yahweh kaya't sila'y nag-alay ng handog at nangakong maglilingkod sa kanya.
17Sa#Mt. 12:40. utos ni Yahweh, nilamon si Jonas ng isang dambuhalang isda at siya'y nanatili ng tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan nito.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society