YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 124:1-8

Mga Awit 124:1-8 MBBTAG12

Ano kaya't kung si Yahweh ay di pumanig sa atin; O Israel, ano kaya yaong iyong sasabihin? “Kung ang Diyos na si Yahweh, sa amin ay di pumanig, noong kami'y salakayin ng kaaway na malupit, maaaring kami noon ay nilamon na nang buháy sa silakbo ng damdamin at ng galit na sukdulan. Maaaring kami noo'y natangay na niyong agos, naanod sa karagata't tuluy-tuloy na nalunod; sa lakas ng agos noo'y nalunod nga kaming lubos. Tayo ay magpasalamat, si Yahweh ay papurihan, pagkat tayo'y iniligtas sa malupit na kaaway. Ang katulad nati'y ibong sa bitag ay nakatakas; lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak. Tulong nating kailangan ay kay Yahweh nagmumula, pagkat itong lupa't langit tanging siya ang lumikha.

Free Reading Plans and Devotionals related to Mga Awit 124:1-8