Bible App logo
Search Icon

1 Timoteo 3

3
Ang mga Tagapangasiwa sa Iglesya
1Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa#3:1 tagapangasiwa: o kaya'y obispo. sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. 2Kaya#Tito 1:6-9. nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa,#3:2 isa lamang ang asawa: o kaya'y minsan lang nag-asawa. matino ang pag-iisip, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. 3Dapat hindi siya lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. 4Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. 5Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya mapamahalaan ang sarili niyang pamilya? 6Hindi siya dapat isang baguhang mananampalataya; baka siya'y maging palalo at mahatulan na gaya ng diyablo. 7Bukod dito, kailangang mabuti ang pagkakilala sa kanya ng mga hindi sumasampalataya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.
Ang mga Tagapaglingkod sa Iglesya
8Ang mga tagapaglingkod#3:8 tagapaglingkod: o kaya'y diakono. naman ay dapat ding maging kagalang-galang, tapat mangusap, hindi lasenggo at hindi sakim sa salapi. 9Kailangang sila'y tapat sa pananampalataya na ating ipinapahayag, at may malinis na budhi. 10Kailangang subukin muna sila, at kung mapatunayang sila'y karapat-dapat, saka sila gawing mga tagapaglingkod.
11Gayundin naman, ang kanilang mga asawa#3:11 kanilang mga asawa: o kaya'y mga babae. ay dapat maging kagalang-galang, hindi mapanirang-puri, mapagtimpi at tapat sa lahat ng mga bagay.
12Ang mga tagapaglingkod sa iglesya ay dapat isa lamang ang asawa#3:12 isa lamang ang asawa: o kaya'y minsan lang nag-asawa. at maayos mangasiwa sa kanilang mga anak at sambahayan. 13Ang mga tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay nagkakamit ng paggalang ng mga tao at nagkakaroon ng malaking tiwala dahil sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
Ang Hiwaga ng Ating Relihiyon
14Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko ang mga ito 15upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga tao sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan. 16Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon:
Siya'y#3:16 Siya'y: Sa ibang matatandang manuskrito'y Ang Diyos ay. nahayag sa anyong tao,
pinatunayang matuwid ng Espiritu,#3:16 pinatunayang matuwid ng Espiritu: o kaya'y pinatunayang matuwid sa espiritu. at nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa mga bansa,
pinaniwalaan sa sanlibutan, at itinaas sa kaluwalhatian.

Currently Selected:

1 Timoteo 3: MBBTAG12

Highlight

Copy

Compare

Share

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in