YouVersion Logo
Search Icon

Mateo 16:2-4

Mateo 16:2-4 ASD

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’ At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, ngunit bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon? Kayong henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos! Humihingi kayo ng tanda, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.” Pagkatapos, umalis si Hesus.

Free Reading Plans and Devotionals related to Mateo 16:2-4