Zacarias 3
3
Ang Paglilinis para sa Punong Pari
1Ipinakita sa akin ng Panginoon ang punong pari na si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon. Nakatayo naman sa gawing kanan niya si Satanas upang paratangan siya.#3:1 Pinaratangan ni Satanas ang punong pari na si Josue pati ang mga kapwa nito Israelita dahil sa kanilang mga kasalanan, at inaakala ni Satanas na hindi na kaaawaan ng Panginoon ang mga ito. 2Ngunit sinabi ng anghel ng Panginoon kay Satanas, “Ayon sa Panginoon na pumili sa Jerusalem, mali ka Satanas. Hindi baʼt ito ang taong tulad ng nagniningas na panggatong na hinila mula sa apoy?”
3Marumi ang damit ni Josue habang nakatayo siya sa harapan ng anghel. 4Kaya sinabi ng anghel sa iba pang mga anghel na nakatayo sa harapan ni Josue, “Hubarin ninyo ang kanyang maruming damit.”
Pagkatapos, sinabi ng anghel kay Josue, “Inalis ko na ang iyong mga kasalanan. Ngayon, bibihisan kita ng bagong damit.”#3:4 bagong damit: O damit ng pari o damit na mamahalin.
5At sinabi ko, “Suotan din ninyo siya ng malinis na turban sa ulo.” Kaya binihisan nila siya ng bagong damit at nilagyan ng malinis na turban habang nakatayo at nakatingin ang anghel ng Panginoon.
6Pagkatapos, ibinilin ng anghel ng Panginoon kay Josue ang sinabi 7ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.
8“Ngayon, makinig ka, Josue na punong pari: Ikaw at ang mga kapwa mo pari ay larawan ng mga darating na pangyayari. Dadalhin ko ang aking lingkod, ang tinatawag na Sanga.#3:8 Sanga: Isang tawag ito sa Mesias (ang hari na hinihintay ng mga Israelita). 9Tingnan mo ang batong inilagay ko sa iyong harapan, mayroon itong pitong mata.#3:9 mata: O bukal. Uukitan ko ito, at aalisin ang kasalanan ng lupain ng Israel sa loob lamang ng isang araw,#3:9 sa loob … araw: O isang beses lang. sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
10“Sa araw na iyon, aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang inyong mga kapitbahay na umupo sa ilalim ng inyong mga ubasan at puno ng igos. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”
Currently Selected:
Zacarias 3: ASD
Highlight
Share
Compare
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.