YouVersion Logo
Search Icon

Awit 6

6
Mga Babae ng Jerusalem
1O babaeng pinakamaganda,
nasaan na ang iyong mahal?
Saan siya nagpunta
upang matulungan ka naming
hanapin siya?
Babae
2Ang aking mahal
ay nagpunta sa kanyang hardin,
sa taniman ng mga halaman na
ginagawang pabango,
upang dooʼy mamasyal
at manguha ng mga liryo.
3Akoʼy sa aking mahal,
at ang mahal ko naman
ay sa akin lang.
Nagpapastol siya
sa gitna ng mga liryo.
Lalaki
4O napakaganda mo, irog ko.
Kasingganda ka ng lungsod ng Tirza
at kabigha-bighani gaya ng Jerusalem.
Kamangha-mangha ka
gaya ng mga kawal
na may dalang mga bandila.
5Huwag mo akong titigan
sapagkat akoʼy naguguluhan.
Ang buhok moʼy parang kawan ng kambing
na bumababa sa Bundok ng Gilead.
6Ang mga ngipin moʼy kasimputi
ng kawan ng tupang bagong paligo.
Buong-buo at maganda
ang pagkakahanay nito.
7Mamula-mula ang noo mong natatakpan ng belo,
tulad ng bunga ng pomegranata.
8Kahit na akoʼy may animnapung asawang reyna,
walumpung asawang alipin,
at hindi mabilang na mga dalaga,
9nag-iisa lamang ang aking sinisinta.
Ang aking kalapati ay walang kapintasan,
nag-iisa at itinatanging anak na babae
ng kanyang ina.
Ang mga babaeng nakakakita sa kanya
ay hindi mapigilang purihin siya.
Kahit na ang mga asawang reyna
at asawang alipin
ay humahanga sa kanya.
10Sino ba itong dumarating na tulad
ng bukang-liwayway,
singganda ng buwan,
singliwanag ng araw,
at kamangha-manghang tulad
ng mga pumaparadang bituin?#6:10 ng mga pumaparadang bituin: O mga kawal na may dalang mga bandila.
11Pumunta ako sa taniman ng almendra
upang tingnan ang mga bagong tanim
na sumibol sa may lambak,
at upang tingnan na rin
kung umuusbong na ang mga ubas
at kung ang mga pomegranata
ay namumulaklak na.
12Hindi ko namalayan,
ako palaʼy nandoon na
sa maharlikang higaan
kasama ang aking mahal.
Mga Babae ng Jerusalem
13Bumalik ka, dalagang taga-Shulam,
bumalik ka
upang ikaw ay aming pagmasdan.#6:13 O Umikot ka, dalaga ng Shulam, umikot ka. Ipakita mo sa amin ang iyong pagsayaw.
Lalaki
Bakit gusto ninyong pagmasdan
ang dalaga ng Shulam
na sumasayaw sa gitna
ng mga manonood?

Currently Selected:

Awit 6: ASD

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in