Pahayag 14:9-11
Pahayag 14:9-11 ASD
Sumunod pa ang isang anghel sa dalawang anghel na nauna. Sumisigaw din siya, “Kung sinuman ang sumamba sa halimaw at sa imahen nito, at tumanggap ng tatak nito sa noo o sa kanang kamay, ay paiinumin ng alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa kopang naglalaman ng kanyang galit. Siyaʼy parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. Ang usok na galing sa paghihirap ng mga taong ito ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”





