Salmo 84
84
Salmo 84
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.
1 Panginoon ng mga Hukbo,
kay ganda ng inyong Templo!
2Gustong-gusto kong pumunta roon!
Nananabik akong pumasok
sa inyong Templo, Panginoon.
Ang buong katauhan koʼy aawit
nang may kagalakan sa inyo,
O Diyos na buháy.
3 Panginoon ng mga Hukbo,
aking Hari at Diyos,
kahit ang mga ibon ay may pugad
malapit sa altar kung saan nila inilalagay
ang kanilang mga inakay.
4Mapalad ang mga taong nakatira
sa inyong Templo;
lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.
5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan
mula sa inyo
at nananabik na makapunta
sa inyong Templo.
6Habang binabaybay nila
ang lambak ng Baca,#84:6 lambak ng Baca: O lambak na may maraming puno ng Balsam o lambak na may mga umiiyak.
iniisip nilang may mga bukal doon
at tila umulan dahil may tubig kahit saan.
7Lalo silang lumalakas habang lumalakad
hanggang ang bawat isa sa kanila
ay makarating
sa presensya ng Diyos doon sa Zion.#84:7 Zion: O Jerusalem.
8O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo,
pakinggan nʼyo ang aking panalangin,
O Diyos ni Jacob,
9Pagpalain nʼyo O Diyos,
ang tagapagtanggol#84:9 tagapagtanggol: Sa literal, pananggalang. namin,
ang hari na inyong pinili.
10Ang isang araw sa inyong Templo
ay higit na mabuti
kaysa sa isang libong araw
sa ibang lugar.
Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos,
kaysa manirahan sa bahay ng masasama.
11Dahil kayo Panginoong Diyos
ay tulad ng araw na nagbibigay-liwanag sa amin
at pananggalang na nag-iingat sa amin.
Pinagpapala nʼyo rin kami
at pinararangalan
Hindi nʼyo ipinagkakait
ang mabubuting bagay
sa sinumang matuwid ang pamumuhay.
12O Panginoon ng mga Hukbo,
mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.
Currently Selected:
Salmo 84: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 84
84
Awit ng Pananabik sa Tahanan ng Diyos
Isang Awit na katha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Gittith.#GITTITH: Hindi tiyak ang kahulugan ng salitang ito. Maaaring ito'y tumutukoy sa isang uri ng instrumento o sa isang uri ng tono.
1Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh!
2Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok.
Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod,
sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.
3Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad,
maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak,
may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;
O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.
4Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan
at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)#4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
5Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din,
silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.
6Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan,
tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan.
7Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas,
batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.
8Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos,
O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod. (Selah)#8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
9Basbasan mo, aming Diyos, itong hari naming mahal,
pagpalain mo po siya pagkat ikaw ang humirang.
10Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo,
kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko.
Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo,
kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.
11Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang,
kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal.
Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay
sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.
12O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society