YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 70

70
Salmo 70#70 Salmo 70 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit. Inaawit ito sa tuwing naghahandog bilang pag-alaala sa Panginoon.
Dalangin para Tulungan ng Dios
(Salmo 40:13-17)
1 Panginoong Dios,
iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.
2Mapahiya sana at malito ang mga nagnanais na mamatay ako.
Magsitakas sana na hiyang-hiya ang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.
3Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.
4Ngunit labis sanang magalak sa inyo ang mga lumalapit sa inyo.
Ang lahat sana ng nagnanais ng inyong pagliligtas ay laging magsabi, “Dakila ka, o Dios!”
5Ngunit ako, akoʼy dukha at nangangailangan.
O Dios, agad nʼyo po akong lapitan!
Kayo ang tumutulong sa akin at aking Tagapagligtas.
Panginoon, agad nʼyo po akong tulungan.

Currently Selected:

Salmo 70: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy