Salmo 67
67
Salmo 67
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.
1O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.
Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,
2upang malaman ng lahat ng bansa
ang inyong mga pamamaraan
at pagliligtas.
3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.
4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,
dahil sa makatarungan nʼyong paghatol
at pagpatnubay sa lahat ng bansa.
5O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
6-7Umani nawa ng sagana ang mga lupain.
Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.
Magkaroon sana ng takot sa inyo
ang lahat ng tao sa buong mundo.
Currently Selected:
Salmo 67: ASD
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.