YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 47

47
Salmo 47#47 Salmo 47 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora para sa direktor ng mga mang-aawit.
Ang Dios ang Hari sa Buong Sanlibutan
1Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo!
Sumigaw sa Dios nang may kagalakan.
2Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang.
Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.
3Ipinasakop niya sa aming mga Israelita ang lahat ng bansa.
4Pinili niya para sa amin ang lupang ipinangako bilang aming mana.
Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob na kanyang minamahal.
5Ang Dios ay umaakyat sa kanyang trono
habang nagsisigawan ang mga tao at tumutunog ang mga trumpeta.
6Umawit kayo ng mga papuri sa Dios.
Umawit kayo ng mga papuri sa ating hari.
7Dahil ang Dios ang siyang Hari sa buong mundo.
Umawit kayo sa kanya ng mga awit ng pagpupuri.
8Ang Dios ay nakaupo sa kanyang trono at naghahari sa mga bansa.
9Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa,
kasama ang mga mamamayan ng Dios ni Abraham.
Ang mga pinuno sa mundo ay sa Dios,
at mataas ang paggalang nila sa kanya.

Currently Selected:

Salmo 47: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy