Salmo 35
35
Salmo 35
Awit na isinulat ni David.
1 Panginoon, kontrahin nʼyo po
ang mga kumukontra sa akin.
Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.
2Kunin nʼyo ang inyong kalasag,
at akoʼy inyong tulungan.
3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat,
para sa mga taong humahabol sa akin.
Gusto kong marinig na sabihin nʼyo,
“Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”
4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin.
Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano
ng masama sa akin.
5Maging gaya sana sila ng ipa
na tinatangay ng hangin,
habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.
6Maging madilim sana at madulas
ang kanilang dinadaanan,
habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.
7Naghukay sila at naglagay ng bitag
para sa akin,
kahit wala akong ginawang masama sa kanila.
8Dumating sana sa kanila ang kapahamakan
nang hindi nila inaasahan.
Sila sana ang mahuli sa bitag
na kanilang ginawa,
at sila rin ang mahulog sa hukay
na kanilang hinukay.
9At akoʼy magagalak
dahil sa inyong pagliligtas sa akin,
Panginoon.
10Buong puso kong isisigaw,
“Panginoon, wala kayong katulad!
Kayo ang nagliligtas sa mga dukha
at api mula sa mga mapagsamantala.”
11May mga malupit na taong sumasaksi
laban sa akin.
Ang kasalanang hindi ko ginawa
ay ibinibintang nila sa akin.
12Ginagantihan nila ako ng masama
sa mga kabutihang aking ginawa,
kaya akoʼy labis na nagdaramdam.
13Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot
para sa kanila;
nagdaramit ako ng sako
at nag-aayuno pa.
At kung ang aking dalangin
para sa kanilaʼy hindi sinasagot,
14palakad-lakad akong nagluluksa
na parang nawalan ng kapatid o kaibigan.
Akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati
para sa kanila
na para bang nawalan ako ng ina.
15Ngunit nang ako na ang nahihirapan,
nagtitipon sila at nagtatawanan.
Nagsasama-sama ang mga kumakalaban sa akin;
kahit ang mga hindi ko kilala
ay sumasamaʼt walang tigil
na akoʼy hinahamak.
16Kinukutya nila ako
nang walang pakundangan,
at ang kanilang mga ngipin
ay nagngangalit sa sobrang galit.
17 Panginoon, hanggang kailan kayo
manonood lang?
Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito
na parang mga leon na gusto
akong lapain.
18At sa gitna ng karamihan,
kayoʼy aking papupurihan
at pasasalamatan.
19Huwag nʼyong payagan na matuwa
ang aking mga kaaway
sa aking pagkatalo.
Ang mga galit sa akin
nang walang dahilan
ay huwag nʼyong payagang kutyain ako.
20Walang maganda sa sinasabi nila,
sa halip sinisiraan nila ang namumuhay
nang tahimik.
21Sumisigaw sila sa akin
na nagpaparatang,
“Aha! Nakita namin ang ginawa mo!”
22 Panginoon, alam nʼyo ang lahat ng ito,
kaya huwag kayong manahimik.
Huwag kayong lumayo sa akin.
23Panginoon kong Diyos, ipagtanggol po ninyo
ako sa kanila.
24Ipahayag po ninyo na akoʼy
walang kasalanan,
O Panginoon kong Diyos,
dahil kayo ay matuwid kung humatol.
Huwag ninyong hayaang
akoʼy kanilang pagtawanan.
25Huwag nʼyong hayaang sabihin nila
sa kanilang sarili,
“Sa wakas, nangyari rin ang gusto
naming mangyari,
natalo na rin namin siya!”
26Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akin
at nagagalak sa aking mga paghihirap.
27Sumigaw sana sa kagalakan
ang mga taong
nagagalak sa aking kalayaan.
Palagi sana nilang sabihin,
“Purihin ang Panginoon
na nagagalak sa tagumpay
ng kanyang mga lingkod.”
28Ihahayag ko sa mga tao
ang inyong pagkamakatuwiran,
at buong maghapon ko kayong
papupurihan.
Currently Selected:
Salmo 35: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 35
35
Panalangin Upang Tulungan ng Diyos
Katha ni David.
1Ang mga salungat at laban sa akin, O Yahweh, sila ay iyo ngang digmain!
2Ang iyong kalasag at sandatang laan,
kunin mo at ako po ay iyong tulungan.
3Dalhin mo ang iyong palakol at sibat,
at sila'y tugisin hanggang sa mautas.
Sabihin mong ikaw ang Tagapagligtas ng abang lingkod mo, O Diyos na marilag!
4Silang nagnanasang ako ay patayin
ay iyong igupo at iyong hiyain;
at ang nagtatangkang lumaban sa akin,
hadlangan mo sila at iyong lituhin.
5Gawing parang ipa na tangay ng hangin,
habang tinutugis ng sinugong anghel.
6Hayaang magdilim, dumulas ang landas,
ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak.
7Ni walang dahilan, ang hangad sa akin
ako ay ihulog sa balong malalim, na ginawa nila upang ako'y dakpin.
8Hindi nila alam sila'y mawawasak,
sila'y mahuhulog sa sariling bitag;
sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.
9Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;
sa habag sa akin ako'y iniligtas.
10Buhat sa puso ko'y aking ihahayag,
“Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad!
Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap,
at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”
11Ang mga masama'y nagpapatotoo,
at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay ako.
12Sa gawang mabuti, ganti ay masama;
nag-aabang sa akin at nagbabanta.
13Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,
nagdaramit-luksa at nag-aayuno;
at nananalangin na yuko ang ulo.
14Para bang ang aking idinadalangin ay isang kapatid na mahal sa akin;
Lumalakad ako na ang pakiramdam,
wari'y inulila ng ina kong mahal.
15Nagagalak sila kapag ako'y may dusa;
sa aking paligid nagtatawanan pa.
Binubugbog ako ng di kakilala,
halos walang tigil na pagpaparusa.
16Natutuwa silang ako'y maghinagpis;
sa galit sa akin, ngipi'y nagngangalit.
17Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong?
Iligtas mo ako sa ganid na leon;
sa paglusob nila't mga pagdaluhong.
18At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan;
pupurihin kita sa harap ng bayan.
19Huwag#Awit 69:4; Jn. 15:25. mong tutulutang ang mga kaaway,
magtawanan sa aking mga kabiguan;
gayon din ang may poot nang walang dahilan,
magalak sa aking mga kalumbayan.
20Sila, kung magwika'y totoong mabagsik,
kasinungalingan ang bigkas ng bibig,
at ang ginigipit, taong matahimik.
21Ang paratang nila na isinisigaw:
“Ang iyong ginawa ay aming namasdan!”
22Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid,
kaya, Panginoon, huwag kang manahimik;
ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis!
23Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol,
iyong ipaglaban ako, Panginoon.
24O Yahweh aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala;
huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan.
25Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan,
at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!”
Huwag mong itutulot na sabihin nilang:
“Siya ay nagapi namin sa labanan!”
26Silang nagagalak sa paghihirap ko,
lubos mong gapii't bayaang malito;
silang nagpapanggap namang mas mabuti,
hiyain mo sila't siraan ng puri.
27Ang nangagsasaya, sa aking paglaya
bayaang palaging sumigaw sa tuwa;
“Dakila si Yahweh, tunay na dakila;
sa aking tagumpay, siya'y natutuwa.”
28Aking ihahayag ang iyong katuwiran,
sa buong maghapon ay papupurihan!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society