Salmo 33
33
Salmo 33
1Kayong mga matuwid,
sumigaw kayo sa galak,
dahil sa ginawa ng Panginoon!
Kayong namumuhay ng tama,
nararapat ninyo siyang purihin!
2Pasalamatan ninyo ang Panginoon
sa pamamagitan ng mga alpa
at mga instrumentong may mga kuwerdas.
3Awitan ninyo siya ng bagong awit.
Tugtugan ninyo siya nang buong husay,
at sumigaw kayo sa tuwa.
4Ang salita ng Panginoon ay matuwid,
at maaasahan ang kanyang mga gawa.
5Ninanais ng Panginoon ang katuwiran
at katarungan.
Makikita sa buong mundo
ang kanyang pagmamahal.
6Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon,
ang langit ay nalikha;
sa kanyang hininga nagmula ang araw,
buwan at mga bituin.
7Inipon niya ang dagat#33:7 Sa Gen. 1:9, nakikita natin na ang buong mundo, noong una, ay nababalutan ng tubig.
na parang inilagay sa isang sisidlan.
8Ang lahat ng tao sa daigdig
ay dapat matakot sa Panginoon,
9dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo;
siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.
10Sinisira ng Panginoon
ang mga plano
ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya.
Sinasalungat niya ang kanilang binabalak.
11Ngunit ang mga plano ng Panginoon
ay mananatili magpakailanman.
At ang kanyang mga balak,
sa saliʼt saling lahi ay matutupad.
12Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon.
At mapalad ang mga taong
pinili niya na maging kanya.
13Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon
ang sangkatauhan.
14Mula sa kanyang luklukan,
tinitingnan niya ang lahat
ng narito sa mundo.
15Siya ang humuhubog sa kanilang puso,
at alam niya ang lahat
ng kanilang ginagawa.
16Hindi nananalo ang isang hari
dahil sa dami ng kanyang kawal,
at hindi naman naililigtas ang kawal
gamit ang kanyang lakas.
17Ang mga kabayo ay hindi maaasahan
na maipanalo ang digmaan;
hindi sila makapagliligtas sa kabila
ng kanilang kalakasan.
18Ngunit binabantayan ng Panginoon
ang mga may takot sa kanya,
sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.
19Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan,
at sa panahon ng taggutom,
silaʼy kanyang inaalalayan.
20Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon.
Siya ang tumutulong at nagtatanggol sa atin.
21Nagagalak tayo,
dahil tayoʼy nagtitiwala
sa kanyang banal na pangalan.
22 Panginoon, sumaamin nawa
ang inyong matapat na pag-ibig.
Ang aming pag-asa ay nasa inyo.
Currently Selected:
Salmo 33: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 33
33
Awit ng Pagpupuri
1Lahat ng matuwid dapat na magsaya,
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
kayong masunuri'y magpuri sa kanya!
2Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;
3Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!
4Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
5Ang nais niya ay kat'wira't katarungan,
ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.
6Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit,
ang araw, ang buwa't talang maririkit;
7sa iisang dako, tubig ay tinipon,
at sa kalaliman ay doon kinulong.
8Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!
Dapat katakutan ng buong nilikha!
9Ang buong daigdig, kanyang nilikha,
sa kanyang salita, lumitaw na kusa.
10Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago't winawalang-bisa.
11Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,
hindi masisira, ito'y mananatili.
12Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
13Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kanyang nilalang.
14Nagmamasid siya at namamahala
sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
15Ang isip nila'y sa kanya nagmula
walang nalilingid sa kanilang gawa.
16Di#Jdt. 9:7; 1 Mcb. 3:19. dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay,
ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal;
17kabayong pandigma'y di na kailangan,
upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay;
di makakapagligtas, lakas nilang taglay.
18Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
19Hindi hahayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
20Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa;
tulong na malaki at sanggalang siya.
21Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa;
sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
22Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society