Salmo 146
146
Salmo 146
1Purihin ang Panginoon!
Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.
2Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon.
Aawitan ko ang aking Diyos
ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
3Huwag kayong magtiwala
sa mga makapangyarihang tao o kaninuman,
dahil silaʼy hindi makapagliligtas.
4Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa,
at ang kanilang mga binabalak
ay mawawalang lahat.
5Mapalad ang tao na ang tulong
ay nagmumula sa Diyos ni Jacob,
na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon,
na kanyang Diyos.
6ang lumikha ng langit at lupa,
ng dagat at ng lahat ng narito.
Mananatili siyang tapat magpakailanman.
7Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi,
at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom.
Pinalalaya ng Panginoon
ang mga bilanggo.
8Pinagagaling niya ang mga bulag
upang makakita,
pinalalakas ang mga nanghihina,
at ang mga matuwid ay minamahal niya.
9Iniingatan niya ang mga dayuhan,
tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda,
ngunit hinahadlangan niya
ang mga kagustuhan ng masasamâ.
10Mga taga-Zion, ang Panginoon
na inyong Diyos
ay maghahari magpakailanman.
Purihin ang Panginoon!
Currently Selected:
Salmo 146: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 146
146
Pagpupuri sa Diyos na Tagapagligtas
1Purihin si Yahweh!
Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa!
2Pupurihin siya't aking aawitan;
aking aawitan habang ako'y buháy.
3Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak,
kahit sa kaninong di makapagligtas;
4kung sila'y mamatay, balik sa alabok,
kahit anong plano nila'y natatapos.
5Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;
sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,
6sa#Gw. 4:24; 14:15. Diyos na lumikha niyong kalangitan,
ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.
Ang kanyang pangako ay maaasahan.
7Panig sa naaapi, kung siya'y humatol,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.
Pinalaya niya ang mga nabihag;
8isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya'y nililingap.
9Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo't ulila,
ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.
10Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh!
Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili!
Purihin si Yahweh!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society