Salmo 141
141
Salmo 141
Awit na isinulat ni David.
1 Panginoon, tumatawag po ako sa inyo;
nawaʼy agad ninyo akong tulungan.
Dinggin ninyo ang panawagan ko sa inyo.
2Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso,
ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.#141:2 handog panggabi: Ginagawa ito kapag lumubog na ang araw.
3 Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.
4Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito.
Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.
5Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid,
dahil ginagawa niya ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin.
Itoʼy parang langis sa aking ulo.
Ngunit sa masasamang tao ang lagi kong panalangin
ay laban sa kanilang masasamang gawain.
6Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin,
maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.
7Sasabihin nila, “Kakalat sa libingan ang mga buto natin
katulad ng mga bato na naglalabasan at kumakalat kapag inaararo ang lupa.”
8O Makapangyarihang Panginoon, akoʼy lumalapit sa inyo.
Hinihiling ko sa inyo na ingatan nʼyo ako,
huwag nʼyong hahayaang akoʼy mamatay.
9Ilayo nʼyo ako mula sa mga bitag
na inilaan sa akin ng masasamang tao.
10Sila sana ang mahulog sa sarili nilang bitag,
habang ako naman ay makakaiwas doon.
Currently Selected:
Salmo 141: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 141
141
Panalangin sa Gabi
Awit ni David.
1Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin
sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.
2Ang#Pah. 5:8. aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso;
itong pagtaas ng mga kamay ko.
3O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan,
ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.
4Huwag mong babayaang ako ay matukso,
sa gawang masama ay magumon ako;
ako ay ilayo, iiwas sa gulo,
sa handaan nila'y nang di makasalo.
5Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako,
ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis;
pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.
6Kung sila'y bumagsak tuloy na hatulan,
maniniwala na ang mga nilalang na ang salita ko ay katotohanan.
7Tulad ng panggatong na pira-piraso,
sa pinaglibinga'y kakalat ang buto.
8Di ako hihinto, sa aking pananalig,
ang pag-iingat mo'y aking ninanais,
huwag mong itutulot, buhay ko'y mapatid.
9Sa mga patibong ng masamang tao,
ilayo mong lubos, ingatan mo ako.
10Iyong pabayaang sila ang mahulog,
samantalang ako'y ligtas mong kinupkop.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society