YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 101

101
Salmo 101#101 Salmo 101 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David.
Ang Pangako ng Hari
1 Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan.
Aawit ako ng mga papuri sa inyo.
2Mamumuhay ako nang walang kapintasan.
Kailan nʼyo ako lalapitan?
Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan,#101:2 tahanan: o, kaharian.
3at hindi ko hahayaan ang kasamaan.
Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios,
at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.
4Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip;
hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.
5Sinumang lihim na naninira sa kanyang kapwa ay aking wawasakin.
Ang mga hambog at mapagmataas ay hindi ko palalagpasin.
6Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat sa Dios at namumuhay nang matuwid;
silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.
7Ang mga mandaraya at mga sinungaling ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.
8Bawat araw ay lilipulin ko ang mga taong masama;
mawawala sila sa bayan ng Panginoon.

Currently Selected:

Salmo 101: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy