Kawikaan 9
9
Ang Karunungan at ang Kahangalan
1Ang karunungan ay katulad
ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay
na may pitong haligi.
2Pagkatapos, nagdaos siya
ng isang malaking piging.
Naghanda siya ng mga pagkain
at inumin.
3At inutusan niya
ang kanyang mga katulong na babae
na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan
upang manawagan:
4“Kayong mga walang muwang,
halikayo sa aking tahanan!”
Sinabi niya sa mga wala sa katinuan,
5“Pumarito kayo at kumain
ng aking inihanda,
uminom kayo ng alak
na aking tinimpla.
6Iwanan na ninyo ang kawalang katinuan
para kayoʼy mabuhay nang matagal
at may pang-unawa.”
7Kung sasawayin mo ang taong nangungutya,
iinsultuhin ka niya.
Kung sasawayin mo ang taong masama,
sasaktan ka niya.
8Kaya huwag mong sasawayin
ang taong nangungutya,
sapagkat magagalit siya sa iyo.
Sawayin mo ang taong marunong
at mamahalin ka niya.
9Kapag tinuruan mo
ang isang taong marunong,
lalo siyang magiging marunong.
At kapag tinuruan mo
ang isang taong matuwid,
lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman.
10Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
At ang pagkilala sa Banal na Diyos
ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.
11Sa pamamagitan ng karunungan,
hahaba ang iyong buhay.
12Kung may karunungan ka,
magdudulot ito sa iyo ng kabutihan,
ngunit magdurusa ka
kung itoʼy iyong tatanggihan.
13Ang kamangmangan ay katulad
ng isang babaeng maingay,
hindi marunong at walang nalalaman.
14Nakaupo siya sa pintuan
ng kanyang bahay
o sa upuan sa mataas
na lugar sa lungsod,
15at tinatawag ang mga dumadaan
na papunta sa kanilang trabaho.
16Sabi niya, “Halikayo rito,
kayong mga wala sa katinuan.”
At sinabi pa niya sa walang pang-unawa,
17“Mas masarap ang tubig na ninakaw
at mas masarap ang pagkain
na kinakain ng lihim.”
18Ngunit hindi alam ng mga taong
pumupunta sa kanya
na sila ay mamamatay.
Ang mga nakapunta na sa kanya
ay naroon na sa libingan.
Currently Selected:
Kawikaan 9: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Kawikaan 9
9
Ang Karunungan at ang Kahangalan
1Gumawa na ng tahanan itong karunungan,
na itinayo niya sa pitong patibayan.
2Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin,
ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain.
3Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan,
upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan:
4“Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.”
Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit:
5“Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko,
at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.
6Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay,
at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
7Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta,
ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta.
8Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo,
ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.
9Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino,
ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.
10Ang#Job 28:28; Awit 111:10; Kaw. 1:7. paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,
ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.
11Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw,
dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay.
12Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang,
ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan.
13Ang nakakatulad nitong taong mangmang,
babaing magaslaw at walang kahihiyan.
14Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay,
o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan.
15Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan,
ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan,
16“Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!”
Kanya namang sinasabi sa mga mangmang,
17“Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis,
tinapay na nakaw, masarap na labis.”
18Hindi alam ng biktimang wakas niyo'y kamatayan,
at lahat ng pumasok doo'y naroon na sa libingan.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society