Kawikaan 12
12
1Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid
sa kanyang pag-uugali
ay nagnanais ng karunungan,
ngunit ang taong ayaw tumanggap
ay hangal.
2Ang mabuting tao
ay kinalulugdan ng Panginoon,
ngunit ang taong nagpaplano ng masama
ay kanyang pinarurusahan.
3Ang taong gumagawa ng masama
ay walang katatagan,
ngunit ang taong matuwid
ay matatag tulad ng isang punongkahoy
na malalim ang ugat.
4Ang mabuting maybahay
ay kasiyahan at karangalan
ng kanyang asawa,
ngunit parang kanser sa buto
ang nakakahiyang asawa.
5Ang iniisip ng taong matuwid ay tama,
ngunit ang mga payo ng taong masama
ay mapanlinlang.
6Ang salita ng taong masama
ay nakamamatay,
ngunit ang salita ng taong matuwid
ay nakapagliligtas.
7Mapapahamak at maglalaho
ang mga taong masama,
ngunit mananatili ang lahi
ng mga taong matuwid.
8Pinararangalan ang taong may karunungan,
ngunit hinahamak ang taong
masama ang kaisipan.
9Mas mabuti ang taong simple
ngunit kayang magbayad ng katulong
kaysa sa taong nagkukunwaring mayaman
ngunit kahit makain ay wala naman.
10Ang taong matuwid ay mabait
sa kanyang mga alagang hayop,
ngunit ang taong masama
ay malupit at walang awa
sa kanyang mga hayop.
11Ang masipag magsaka sa kanyang lupain
ay laging sagana sa pagkain,
ngunit ang gumugugol ng oras
sa walang kabuluhang bagay
ay salat sa karunungan.
12Kinaiinggitan ng magnanakaw
ang nasamsam ng kanyang kapwa,
subalit nag-uugat ang matuwid
at nananatiling matatag.
13Ang kasamaang sinasabi ng taong masama
ay nagdudulot sa kanya ng gulo,
ngunit ang taong matuwid
ay umiiwas sa gulo.
14Ang mga salitang nagmumula sa karunungan,
ay nagbubunga ng mabubuting bagay
at ang pagbabanat-buto namaʼy
may gantimpalang naghihintay.
15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama,
ngunit ang taong marunong
ay nakikinig sa payo.
16Ang hangal ay madaling magalit,
ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin
ang pang-iinsulto sa kanya.
17Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan,
ngunit ang hindi tapat na saksi
ay nagsasabi ng kasinungalingan.
18Ang pabigla-biglang salita
ay nakakasugat ng damdamin,
ngunit ang magandang salita
ay nagpapagaling.
19Ang katotohanan ay mananatili kailanman,
ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.
20Pandaraya ang nasa puso
ng mga taong nagbabalak ng masama,
ngunit kagalakan ang nasa puso
ng mga taong naghahangad
ng kapayapaan.
21Walang mangyayaring masama
sa taong matuwid,
ngunit ang masasamâ, pawang kaguluhan
ang mararanasan.
22Nasusuklam ang Panginoon
sa mga nagsasabi ng kasinungalingan,
ngunit nalulugod siya sa nagsasabi
ng katotohanan.
23Hindi ipinagyayabang
ng taong maalam ang kanyang nalalaman,
ngunit ang hangal ay ibinibida
ang kanyang kahangalan.
24Ang taong masipag ay magiging pinuno,
ngunit ang tamad ay magiging alipin.
25Ang kabalisahan sa puso ng isang tao
ay nakapagpapalungkot,
ngunit kaaaliwan nito
ang mabuting salita.
26Ginagabayan ng taong matuwid
ang kanyang kaibigan,
ngunit ililigaw ka ng taong masama.
27Hindi makakamit ng taong tamad
ang kanyang hinahangad,
ngunit ang taong masipag
maganda ang hinaharap.
28Ang matuwid na pamumuhay
ay patungo sa buhay,
at maililigtas ka nito sa kamatayan.
Currently Selected:
Kawikaan 12: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Kawikaan 12
12
1Ang#Ecc. 21:6. taong may unawa ay tumatanggap ng payo,
ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.
2Si Yahweh ay nalulugod sa taong matuwid,
ngunit sa masasama siya ay nagagalit.
3Ang makasalanan ay hindi mapapanatag,
ngunit ang matuwid ay hindi matitinag.
4Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa,
ngunit kanser sa buto ang masamang asawa.
5Ang taong matuwid ay mabuting makiharap,
ngunit ang masama ay bihira lang magtapat.
6Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama,
ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa.
7Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik,
ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig.
8Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan,
ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang.
9Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak,
kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak.
10Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait,
ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik.
11Ang taong masipag ay sagana sa lahat,
ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat.
12Ang nais ng masama ay puro kasamaan,
ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw.
13Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig,
ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig.
14Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita,
bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala.
15Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama,
ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa.
16Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata,
ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya.
17Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan,
ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.
18Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin,
ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling.
19Ang tapat na labi ay mananatili kailanman,
ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal.
20Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan,
ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan.
21Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid,
ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig.
22Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling,
ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.
23Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino,
ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao.
24Balang araw ang masikap ang mamamahala,
ngunit ang tamad ay mananatiling alila.
25Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan,
ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.
26Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay,
ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw.
27Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad,
ngunit ang masikap ay laging may magandang hinaharap.
28Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay,
ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society