Mga Taga-Filipos 4:5-7
Mga Taga-Filipos 4:5-7 ASD
Ipakita ninyo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon! Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.