Leviticus 20
20
Mga Parusa sa mga Kasalanan
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ang sinuman sa inyo o sinuman sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo na maghahandog ng kanyang anak sa diyos-diyosang si Molec ay dapat batuhin ng taong-bayan hanggang sa mamatay. 3Kasusuklaman ko ang taong iyon at ititiwalag ko siya sa inyong sambayanan. Sapagkat dahil sa paghahandog niya ng kanyang anak kay Molec, dinungisan niya ang aking santuwaryo at nilapastangan niya ang aking banal na pangalan. 4At kung hahayaan lamang ng taumbayan ang taong iyon na ihandog ang isa sa kanyang mga anak kay Molec at hindi nila ito papatayin, 5ako mismo ang uusig sa kanya, at sa sambahayan niya, at sa lahat ng sumusunod sa kanya sa paghahandog kay Molec. Pagtataksil ito sa akin kayaʼt ititiwalag ko sila sa sambayanan.’ ”
6“ ‘Kasusuklaman ko ang sinumang sumasangguni at sumusunod sa mga espiritistang kumakausap sa mga kaluluwa ng patay at sa mga manghuhula. Pinagtaksilan niya ako sa pagsunod sa mga ito kayaʼt ititiwalag ko siya sa sambayanan.
7“ ‘Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos. 8Sundin ninyo ang aking mga tuntunin dahil ako ang Panginoon na nagtalaga sa inyo para maging bayan ko.
9“ ‘Ang sinumang lumapastangan sa kanyang ama o ina ay papatayin. Mananagot siya sa paglapastangan niya sa kanila.
10“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng iba, siya at ang babae ay dapat patayin.
11“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang ama, nilalapastangan niya ang kanyang ama. Kaya siya at ang babae ay dapat patayin. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.
12“ ‘Kung ang isang amaʼy sumiping sa kanyang manugang na babae, siya at ang babae ay dapat patayin, dahil masama ang kanilang ginawa. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.
13“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kapwa lalaki, pareho silang dapat patayin dahil pareho silang gumawa ng kasuklam-suklam. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.
14“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa mag-ina, silang tatlo ay dapat sunugin dahil masama ang kanilang ginawa. Ang kasamaang ito ay dapat mawala sa inyo.
15“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa hayop, patayin siya pati na ang hayop.
16“ ‘Kung ang isang babae ay sumiping sa hayop, patayin siya patayin pati na ang hayop. Sila ang responsable sa kanilang kamatayan.
17“ ‘Kung ang isang lalaki ay magpakasal sa kapatid niyang babae at sumiping dito, maging itoʼy kapatid niya sa ama o sa ina, inilalagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan kaya dapat siyang managot. At dahil masama ang ginawa nila, huwag na silang ituring na kababayan ninyo.
18“ ‘Kung ang lalaki ay sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil gusto rin ng babae, silang dalawa ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
19“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kanyang tiyahin, inilalagay niya sa kahihiyan ang kanyang tiyahin. Silang dalawa ay dapat managot sa kanilang ginawa.
20“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang tiyuhin, inilalagay niya ang kanyang tiyuhin sa kahihiyan. Silang dalawa ay dapat managot at mamatay na walang anak.
21“ ‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang kapatid, inilalagay niya ang kanyang kapatid sa kahihiyan. At dahil masama ang ginawa nila, mamamatay silang dalawa na walang anak.
22“ ‘Sundin ninyo ang lahat ng tuntunin at utos upang hindi kayo paalisin sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo para roon kayo manirahan. 23Ang mga taong paaalisin ko sa lupaing iyon ay gumagawa ng mga kasamaang ito, at dahil dooʼy itinatakwil ko sila. Kaya huwag ninyong gagayahin ang ginagawa nila. 24At ayon na rin sa aking sinabi sa inyo, magiging inyo ang kanilang lupain. Ibibigay ko sa inyo ang lupaing iyon na maganda at sagana#20:24 maganda at sagana: Sa literal, dumadaloy ang gatas at pulot. sa ani para maging pag-aari ninyo. Ako ang Panginoon na inyong Diyos na humirang sa inyo mula sa mga tao.
25“ ‘Dapat ninyong malaman kung aling mga hayop at mga ibon ang malinis o marumi. Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga maruming hayop na ipinagbawal ko. 26Kayoʼy magpakabanal dahil ako, ang Panginoon ay banal. At kayoʼy hinirang ko mula sa ibang mga bansa para maging akin.
27“ ‘Kung mayroong espiritista sa inyo na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, kailangang batuhin ninyo siya hanggang sa mamatay. Siya ang responsable sa kanyang kamatayan.’ ”
Currently Selected:
Leviticus 20: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
LEVITICO 20
20
Mga Parusa sa Pagsuway
1At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Sasabihin mo sa mga anak ni Israel: Sinumang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga dayuhan na naninirahan sa Israel, na nagbibigay ng kanyang anak kay Molec ay tiyak na papatayin; siya'y babatuhin ng mga tao ng lupain hanggang sa mamatay.
3Ako mismo ay haharap laban sa taong iyon, at ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan, sapagkat ibinigay niya ang kanyang anak kay Molec, kaya't nadungisan ang aking santuwaryo, at nilapastangan ang aking banal na pangalan.
4At kapag ipinikit ng mga tao sa lupain ang kanilang mga mata sa taong iyon, habang ibinibigay niya ang kanyang anak kay Molec, at hindi siya pinatay,
5ay ihaharap ko ang aking mukha laban sa taong iyon at sa kanyang sambahayan. Ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan, siya at lahat ng sumusunod sa kanya sa pagpapakasama kay Molec.
6“Ang taong nakikipag-ugnay sa masasamang espiritu at sa mga mangkukulam, na nagpapakasamang kasama nila, ay ihaharap ko ang aking mukha laban sa taong iyon, at ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
7Italaga ninyo ang inyong mga sarili at kayo'y maging banal; sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos.
8Tutuparin ninyo ang aking mga tuntunin, at isasagawa ang mga iyon, ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
9Sinumang#Exo. 21:17; Mt. 15:4; Mc. 7:10 lumalait sa kanyang ama o sa kanyang ina ay tiyak na papatayin; kanyang nilait ang kanyang ama o ang kanyang ina, ang kanyang dugo ay nasa kanya.
Batas Laban sa Kasagwaan
10“Kapag#Exo. 20:14; Lev. 18:20; Deut. 5:18 ang isang lalaki ay mangalunya sa asawa ng kanyang kapwa, ang lalaking nangalunya at ang babaing nangalunya ay parehong papatayin.
11Ang#Lev. 18:8; Deut. 22:30; 27:20 lalaking sumiping sa asawa ng kanyang ama ay naglitaw ng kahubaran ng kanyang ama, sila'y tiyak na kapwa papatayin; ang kanilang dugo ay nasa kanila.
12At#Lev. 18:15 kapag ang isang lalaki ay sumiping sa kanyang manugang na babae, sila ay kapwa papatayin; sila'y gumawa ng kahalayan, ang kanilang dugo ay nasa kanila.
13Kapag#Lev. 18:22 ang isang lalaki ay sumiping sa kapwa lalaki, na gaya ng pagsiping sa babae, sila ay kapwa nakagawa ng bagay na karumaldumal, tiyak na sila'y papatayin, ang kanilang dugo ay nasa kanila.
14Kung#Lev. 18:17; Deut. 27:23 ang isang lalaki ay mag-asawa sa isang babae at sa kanyang ina, ito ay kasamaan. Kanilang susunugin siya at sila upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyong kalagitnaan.
15Kapag#Exo. 22:19; Lev. 18:23; Deut. 27:21 ang isang lalaki ay sumiping sa hayop, siya ay tiyak na papatayin, at papatayin din ninyo ang hayop.
16Kung ang isang babae ay lumapit sa alinmang hayop at nakipagtalik dito, papatayin mo ang babae at ang hayop; sila'y tiyak na papatayin at ang kanilang dugo ay nasa kanila.
17“Kung#Lev. 18:9; Deut. 27:22 kunin ng isang lalaki ang kanyang kapatid na babae, na anak ng kanyang ama o anak ng kanyang ina, at kanyang makita ang kanyang kahubaran, at makita ng babae ang kahubaran niya, ito ay isang bagay na kahiyahiya. Sila'y ititiwalag sa paningin ng mga anak ng kanilang bayan, sapagkat inilitaw niya ang kahubaran ng kanyang kapatid na babae; kanyang pananagutan ang kasamaan niya.
18Kung#Lev. 18:19 ang isang lalaki ay sumiping sa isang babaing may regla, at ilitaw ang kahubaran niya; kanyang hinubaran ang kanyang daloy at kanyang pinalitaw ang daloy ng kanyang dugo; at sila'y kapwa ititiwalag sa kalagitnaan ng kanilang bayan.
19At#Lev. 18:12-14 huwag mong ililitaw ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina, ni ng kapatid na babae ng iyong ama, sapagkat hinubaran niya ang kanyang malapit na kamag-anak; sila ay kapwa mananagot ng kanilang kasamaan.
20Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng kanyang amain, kanyang inilitaw ang kahubaran ng kanyang amain. Pananagutan nila ang kanilang kasalanan at mamamatay silang walang anak.
21Kung#Lev. 18:16 ang isang lalaki ay makisama sa asawa ng kanyang kapatid na lalaki, ito ay karumihan; kanyang inilitaw ang kahubaran ng kanyang kapatid na lalaki kaya't mabubuhay silang walang anak.
Utos upang Tuparin ang Batas ng Kalinisan
22“Tuparin ninyo ang lahat ng aking mga tuntunin at mga batas, at gawin ninyo ang mga iyon upang huwag kayong isuka ng lupain na aking pagdadalhan sa inyo na inyong tatahanan.
23Huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harapan ninyo, sapagkat ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila, at ako ay nasusuklam sa kanila.
24Subalit sinabi ko na sa inyo, ‘Tiyak na mamanahin ninyo ang lupain nila, at ibibigay ko sa inyo upang inyong manahin, isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.’ Ako ang Panginoon ninyong Diyos na nagbukod sa inyo sa mga bayan.
25Inyong lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang marumi, at ang ibong marumi at ang malinis. Huwag ninyong gagawing karumaldumal ang inyong pagkatao sa hayop o sa ibon, o sa anumang bagay na umuusad sa lupa na inihiwalay ko sa inyo bilang mga marurumi.
26Kayo'y magpakabanal sa akin, sapagkat akong Panginoon ay banal, at kayo'y ibinukod ko sa mga bayan, upang kayo'y maging akin.
27“Ang isang lalaki o ang isang babae na sumasangguni sa masasamang espiritu, o mangkukulam, ay tiyak na papatayin. Sila'y babatuhin hanggang mamatay, ang kanilang dugo ay pasan nila.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001