Leviticus 12
12
Seremonya ng Paglilinis ng Babaeng Kapapanganak
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Kung ang isang babae ay nanganak ng lalaki, siyaʼy ituturing na marumi#12:2 marumi: Ang ibig sabihin nito ay hindi siya maaaring makibahagi sa kanilang mga seremonyang panrelihiyon. Ganito rin sa talata 4|LEV 12:4. sa loob ng pitong araw, tulad nang panahong siya ay may buwanang dalaw. 3Sa ikawalong araw, tutuliin ang kanyang anak. 4Dahil sa siyaʼy dinudugo pa, maghihintay pa siya hanggang lumipas ang tatlumpuʼt tatlong araw bago siya ituring na malinis#12:4 ituring na malinis: Ang ibig sabihin nito ay maaari na siyang makibahagi sa kanilang seremonya. dahil sa dugo ng panganganak. Hindi siya maaaring humipo ng kahit anong bagay na sagrado at hindi siya maaaring pumunta sa santuwaryo hanggang sa matapos ang kanyang paglilinis. 5Kung babae ang anak niya, ituturing siyang marumi sa loob ng labing-apat na araw, tulad nang panahong siya ay siyaʼy may buwanang dalaw. Maghihintay pa siya ng 66 na araw bago siya ituring na malinis mula sa dugo ng panganganak.
6“ ‘Kapag tapos na ang mga araw ng kanyang paglilinis para sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pari ng isang tupang may isang taóng gulang bilang handog na sinusunog at isang inakay na kalapati o batu-bato bilang handog para sa kasalanan; dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 7-8Ihahandog ito ng pari sa Panginoon para maalis ang kanyang karumihan dahil sa kanyang pagdurugo sa panganganak at magiging malinis siya.
“ ‘Kung hindi niya kayang maghandog ng tupa, maghahandog siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato. Ang isa ay bilang handog na sinusunog at ang isa ay bilang handog para sa kasalanan. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, maaalis ang karumihan niya at ituturing na siyang malinis. Ito ang mga tuntunin tungkol sa babaeng nanganak.’ ”
Currently Selected:
Leviticus 12: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
LEVITICO 12
12
Ang Paglilinis ng mga Babae Pagkatapos Manganak
1Ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2“Sabihin mo sa mga anak ni Israel: Kung ang isang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalaki, siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw; kagaya nang sa mga araw ng kanyang pagkakaroon ng regla, siya ay magiging marumi.
3At#Gen. 17:12; Lu. 2:21 sa ikawalong araw ang bata ay tutuliin.#12:3 TUTULIIN: pagpuputol ng balat sa kasarian ng lalaki.
4Siya'y magpapatuloy sa panahon ng kanyang paglilinis sa dugo sa loob ng tatlumpu't tatlong araw; huwag siyang hihipo ng anumang bagay na banal, at huwag siyang papasok sa santuwaryo, hanggang sa matapos ang mga araw ng kanyang paglilinis.
5Ngunit kung manganak siya ng babae, siya ay magiging marumi sa loob ng dalawang linggo, gaya ng sa kanyang panahon ng pagkakaroon ng regla; siya'y magpapatuloy sa panahon ng kanyang paglilinis sa dugo sa loob ng animnapu't anim na araw.
6“Kapag ang mga araw ng kanyang paglilinis ay matapos na, maging sa anak na lalaki o sa anak na babae, siya ay magdadala sa paring nasa pintuan ng toldang tipanan ng isang taong gulang na kordero bilang handog na sinusunog, at isang batang kalapati o isang batu-bato bilang handog pangkasalanan.
7Ihahandog ito ng pari#12:7 Sa Hebreo ay niya. sa harapan ng Panginoon, at itutubos para sa kanya; at siya'y malilinis sa agos ng kanyang dugo. Ito ang batas tungkol sa kanya na nanganak, maging ng lalaki o ng babae.
8Kung#Lu. 2:24 hindi niya kayang bumili ng kordero, siya ay kukuha ng dalawang batu-bato o ng dalawang batang kalapati, ang isa'y bilang handog na sinusunog at ang isa'y handog pangkasalanan. Ang pari ay gagawa ng pagtubos para sa kanya, at siya'y magiging malinis.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001