Jonas 3
3
Pumunta si Jonas sa Nineve
1Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. 2Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga tagaroon ang ipinasasabi ko sa iyo.” 3Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.
4Pumasok si Jonas sa lungsod. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga tagaroon, “May apatnapung araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”
5Naniwala ang mga taga-Nineve sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa#3:5 damit na panluksa: Sa Hebreo, sakong damit. Ganito rin sa talata 6|JON 3:6 at 8|JON 3:8. at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi. 6Sapagkat nang mapakinggan ng hari ng Nineve ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa. 7At ito ang ipinahayag niya sa buong Nineve:
“Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga nakatataas na opisyal,
“Walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing. 8Magsuot ang mga tao ng damit na panluksa pati na ang mga hayop, at taimtim na manalangin sa Diyos. Talikuran ninyo ang masamang pamumuhay at karahasang ginagawa ninyo. 9Baka sakaling magbago ang isip ng Diyos at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.”
10Nakita ng Diyos ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Naawa siya sa kanila, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.
Currently Selected:
Jonas 3: ASD
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.