Job 26
26
Sumagot si Job
1Sumagot si Job,
2“Ang akala mo baʼy natulungan mo
ang walang kakayahan at nailigtas ang mahihina?
3Ang akala mo baʼy napayuhan mo
ang kapos sa karunungan
sa pamamagitan ng iyong karunungan?
4Saan ba nanggaling
ang mga sinasabi mong iyan?
Sinong espiritu ang nagturo sa iyo
na sabihin iyan?
5“Nanginginig sa takot ang mga patay
sa kinalalagyan nila sa ilalim ng tubig.
6Lantad sa paningin ng Diyos
ang lugar ng mga patay.
Hindi maitatago ang lugar ng kapahamakan.
7Inilatag ng Diyos ang kalawakan sa hilaga
at ibinitin ang mundo sa kawalan.
8Ibinabalot niya ang ulan
sa makakapal na ulap,
ngunit hindi ito napupunit
gaano man kabigat.
9Tinatakpan niya ng makapal na ulap
ang bilog na buwan.#26:9 bilog na buwan: O trono.
10Nilagyan niya ng hangganan
ang langit at dagat
na parang hangganan din
ng liwanag at dilim.
11Sa pagsaway niya
ay nayayanig ang mga haligi ng langit.
12Sa kanyang kapangyarihan
ay pinaaalon niya ang dagat;
sa kanyang karunungan
ay tinalo niya si Rahab.
13Sa pamamagitan ng pag-ihip niya
ay umaaliwalas ang langit,
at sa kanyang kapangyarihan
pinatay niya ang gumagapang na ahas.#26:13 ahas: O Leviatan.
14Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya.
Parang isang bulong lang
na ating napakinggan.
Sino ngayon ang makakaunawa
sa kapangyarihan ng Diyos?”
Currently Selected:
Job 26: ASD
Highlight
Share
Compare
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.