Job 25
ASND
25
Nagsalita si Bildad
1Sumagot si Bildad na taga-Shua, 2“Makapangyarihan ang Dios at kagalang-galang. Pinaghahari niya ang kapayapaan sa langit. 3Mabibilang ba ang kanyang hukbo? May lugar bang hindi nasisinagan ng kanyang liwanag? 4Paano makakatayo ang isang tao sa harapan ng Dios at sasabihing siya ay matuwid? Mayroon bang taong ipinanganak na walang kapintasan? 5Kung ang buwan at mga bituin ay hindi maliwanag sa kanyang paningin, 6di lalo na ang tao na parang uod lamang.”

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

Learn More About Ang Salita ng Dios