Job 23
23
Sumagot si Job
1Pagkatapos, sinabi ni Job,
2“Hanggang ngayoʼy labis pa rin
ang hinaing ko.
Pinahihirapan pa rin ako ng Diyos
sa kabila ng labis kong pagdaing.
3Kung alam ko lang
kung saan ko siya hahanapin;
kung makakapunta lang sana ako
sa kinaroroonan niya,
4sasabihin ko sa kanya ang aking kaso
at ilalahad ang aking katuwiran.
5Gusto kong malaman
kung ano ang isasagot niya sa akin
at gusto ko ring maintindihan
ang sasabihin niya.
6Makikipagtalo kaya siya sa akin
gamit ang kapangyarihan niya?
Hindi! Hindi niya iyon gagawin,
kundi pakikinggan niya ako.
7Ang taong matuwid na tulad ko
ay maaaring mangatuwiran
sa harap ng aking hukom,
at palalayain niya ako nang lubusan.
8“Akoʼy pumunta sa silangan,
ngunit wala siya roon;
pumunta ako sa kanluran,
ngunit hindi ko siya makita.
9Hindi ko siya natagpuan sa hilaga,
sapagkat siyaʼy nakakubli.
Hinanap ko siya sa timog,
ngunit siyaʼy natatakpan.
10Ngunit alam niya
ang aking ginagawa.
Pagkatapos niya akong subukan,
makikita niyang malinis ako
tulad ng purong ginto.
11Sinunod ko ang kanyang
mga hakbang;
hindi ko ito sinuway.
12Sinusunod ko ang kanyang mga utos,
at iniingatan ko ito sa aking puso.
Pinahahalagahan ko ang mga salita niya
nang higit pa sa pang-araw-araw
kong pagkain.
13“Ngunit malaya ang Diyos
na gawin ang nais niyang gawin;
walang sinumang makahahadlang sa kanya.
14Kaya gagawin niya
ang binabalak niyang gawin sa akin,
at marami pa siyang planong
gagawin sa akin.
15Kaya natatakot ako sa kanya.
At kapag iniisip ko ito,
lalo akong natatakot.
16Pinahihina ng Diyos ang aking puso,
tinatakot ako ng Makapangyarihan.
17Ngunit hindi ako mananahimik
kahit na akoʼy pinapalibutan ng kadiliman,
kahit na akoʼy binabalot ng karimlan.
Currently Selected:
Job 23: ASD
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.