Isaias 4
4
1Sa mga araw na iyon, pitong babae
ang mag-aagawan sa iisang lalaki
at sasabihin nila,
“Kami na ang bahala sa pagkain
at damit namin,
pakasalan mo lang kami
upang hindi kami maging kahiya-hiya
dahil wala kaming asawa.”
Muling Itatayo ang Jerusalem
2Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim#4:2 mga pananim: Sa literal, mga sanga. sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem. 3Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem. 4Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon. 5Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa Jerusalem at sa mga nagtitipon doon kung araw at nagniningas na apoy naman kung gabi. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay parang isang malapad na tolda, 6at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.
Currently Selected:
Isaias 4: ASD
Highlight
Share
Compare
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.