Hoseas 9:1
Hoseas 9:1 ASD
Huwag kayong matuwa, Israel; huwag kayong magdiwang katulad ng mga ibang bansa. Sapagkat hindi kayo naging tapat sa inyong Diyos; nasisiyahan kayo sa inyong upa bilang babaeng bayaran, at inaakalang ang mga butil sa bawat giikan ay ibinigay ng inyong diyos-diyosan.