Hoseas 14
14
Pagpapala ang Dala ng Pagsisisi
1Sinabi ni Hoseas:
“Mga taga-Israel,
magbalik-loob na kayo
sa Panginoon
na inyong Diyos.
Napahamak kayo
dahil sa inyong kasalanan.
2Magbalik-loob na kayo
sa Panginoon
at sabihin ninyo sa kanya,
‘Patawarin nʼyo po kami
sa aming mga kasalanan.
Tanggapin nʼyo po kami ayon
sa inyong kabutihan
upang makapaghandog kami
sa inyo ng pagpupuri.
3Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiria
at hindi na rin kami aasa
sa mga kabayong pandigma.
Hindi na rin namin tatawagin
na aming Diyos
ang mga diyos-diyosang ginawa namin.
Sapagkat kinaawaan nʼyo po kami
na parang mga ulila.’ ”
4Sinabi ng Panginoon,
“Pagagalingin ko ang aking
mga mamamayan
mula sa kanilang pagkamasuwayin
at taos-puso ko silang mamahalin.
Sapagkat nawala na
ang galit ko sa kanila.
5Pagpapalain ko ang mga taga-Israel;
akoʼy magiging parang hamog sa kanila
na nagbibigay
ng tubig sa mga halaman.
Sila ay lalago tulad
ng liryong namumulaklak.
Sila ay magiging matatag tulad
ng puno ng sedro
sa Lebanon na malalim ang ugat.
6Sila ay dadami
na parang mga sangang
nagkakadahon nang mayabong.
Silaʼy magiging tanyag
tulad ng magandang puno ng olibo
at ng mabangong puno ng sedro
ng Lebanon.
7Muli silang maninirahan
na kinakalinga ko.
Sila ay uunlad na parang
trigong yumayabong
o ubas na namumulaklak.
At magiging tanyag sila
na gaya ng alak ng Lebanon.
8“Mga taga-Israel,#14:8 Israel: Sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang talababa sa 4:17. lumayo na kayo
sa mga diyos-diyosan.
Ako ang tutugon sa inyong mga dalangin
at ako ang kakalinga sa inyo.
Ipagtatanggol ko kayo;
akoʼy magiging tulad
ng mayabong na puno ng sipres,
na magbibigay ng lilim.
Ako ang nagpapaunlad sa inyo.”#14:8 nagpapaunlad sa inyo: O tumutugon sa inyong mga pangangailangan.
9Nawaʼy malaman at maintindihan
ng may pang-unawa
ang mga nakasulat dito.
Tama ang mga pamamaraan
ng Panginoon
at sinusunod ito ng mga matuwid,
ngunit nagiging katitisuran ito
sa mga suwail.
Currently Selected:
Hoseas 14: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.