Ester 2:15
Ester 2:15 ASD
Nang dumating ang araw na si Ester (anak ni Abihail na tiyuhin ni Mordecai, na umampon sa kanya) ang haharap sa hari, wala siyang hiniling na iba maliban sa ipinayo ni Hegai, ang eunukong nangangasiwa sa mga babae. Ganoon na lang ang paghanga at pagpuri ng mga nakakita sa kanya.





