2 Mga Taga-Corinto 4:17-18
2 Mga Taga-Corinto 4:17-18 ASD
Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman. Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.









