2 Mga Taga-Corinto 13
13
Pangwakas na mga Bilin at mga Pangungumusta
1Ito na ang pangatlong pagdalaw ko sa inyo. Sinasabi sa Kasulatan, “Ang anumang kaso ng isa laban sa kapwa ay dapat patotohanan ng dalawa o tatlong saksi.”#13:1 Deu. 19:15. 2Ngayon, binabalaan ko ang mga nagkasala noon, pati na rin ang lahat, na walang sinumang makakaligtas sa aking pagdidisiplina. Sinabi ko na ito sa ikalawang pagdalaw ko diyan, at inuulit ko ngayon habang hindi pa ako nakakarating. 3Gagawin ko ito upang patunayan sa inyong si Kristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko, dahil ito rin ang hinahanap ninyo sa akin. Hindi siya mahina sa pakikitungo sa inyo, kundi makapangyarihan. 4Kahit na nagpakababa siya nang ipako sa krus, nabubuhay siya ngayon sa kapangyarihan ng Diyos. Ganoon din naman, nagpapakababa rin kami#13:4 nagpapakababa rin kami: O mahina rin kami. bilang mga mananampalataya ni Kristo. Ngunit nabubuhay kami sa kapangyarihan ng Diyos upang makapaglingkod sa inyo.
5Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang tunay ang inyong pananampalataya. Siyasatin ninyong mabuti ang inyong sarili. Hindi ba ninyo alam na si Kristo Hesus ay nasa inyo maliban na lang kung hindi kayo tunay na mananampalataya? 6Umaasa akong makikita ninyo na tunay kaming mga apostol ni Kristo. 7Ipinapanalangin namin sa Diyos na hindi ninyo gagawin ang anumang masamang bagay. Ginagawa namin ito hindi para ipakita sa mga tao na sinusunod ninyo ang aming mga itinuturo, kundi upang patuloy kayong gumawa ng tama, kahit sabihin nilang hindi kami nagtagumpay bilang mga apostol. 8Kailanman ay hindi kami gagawa ng labag sa katotohanan, kundi ang naaayon lamang sa katotohanan. 9Nagagalak kami kapag itinuturing kaming mahina at kayo naman ay matatag sa inyong pananampalataya. At ipinapanalangin namin na maging karapat-dapat kayo. 10Kaya nga isinusulat ko ito ngayon habang wala pa ako diyan, upang pagdating ko, hindi ko na kailangang maging marahas sa paggamit ng kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin. Sapagkat nais kong gamitin ang kapangyarihang ito para sa inyong ikabubuti at hindi sa inyong ikapapahamak.
Mga Pangwakas na Pagbati
11Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.
12Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo.#13:12 bilang mga magkakapatid kay Kristo: Sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.
Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya rito.
13Sumainyo nawang lahat ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu.#13:13 Sa ibang salin ng Bibliya, ang talata 12|2CO 13:12 ay ginawang dalawang talata kaya ang talata 13 ay naging 14.
Currently Selected:
2 Mga Taga-Corinto 13: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
2 Corinthians 13
13
1 THIS IS the third time that I am coming to you. By the testimony of two or three witnesses must any charge and every accusing statement be sustained and confirmed. [Deut. 19:15.]
2 I have already warned those who sinned formerly and all the rest also, and I warn them now again while I am absent, as I did when present on my second visit, that if I come back, I will not spare [them],
3 Since you desire and seek [perceptible] proof of the Christ Who speaks in and through me. [For He] is not weak and feeble in dealing with you, but is a mighty power within you;
4 For though He was crucified in weakness, yet He goes on living by the power of God. And though we too are weak in Him [as He was humanly weak], yet in dealing with you [we shall show ourselves] alive and strong in [fellowship with] Him by the power of God.
5 Examine and test and evaluate your own selves to see whether you are holding to your faith and showing the proper fruits of it. Test and prove yourselves [not Christ]. Do you not yourselves realize and know [thoroughly by an ever-increasing experience] that Jesus Christ is in you–unless you are [counterfeits] disapproved on trial and rejected?
6 But I hope you will recognize and know that we are not disapproved on trial and rejected.
7 But I pray to God that you may do nothing wrong, not in order that we [our teaching] may appear to be approved, but that you may continue doing right, [though] we may seem to have failed and be unapproved.
8 For we can do nothing against the Truth [not serve any party or personal interest], but only for the Truth [which is the Gospel].
9 For we are glad when we are weak (unapproved) and you are really strong. And this we also pray for: your all-round strengthening and perfecting of soul.
10 So I write these things while I am absent from you, that when I come to you, I may not have to deal sharply in my use of the authority which the Lord has given me [to be employed, however] for building [you] up and not for tearing [you] down.
11 Finally, brethren, farewell (rejoice)! Be strengthened (perfected, completed, made what you ought to be); be encouraged and consoled and comforted; be of the same [agreeable] mind one with another; live in peace, and [then] the God of love [Who is the Source of affection, goodwill, love, and benevolence toward men] and the Author and Promoter of peace will be with you.
12 Greet one another with a consecrated kiss.
13 All the saints (the people of God here) salute you.
14 The grace (favor and spiritual blessing) of the Lord Jesus Christ and the love of God and the presence and fellowship (the communion and sharing together, and participation) in the Holy Spirit be with you all. Amen (so be it).
1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation